Followers

Sunday, December 13, 2015

Tayutay

Ang buhay ko ay isang tula.
Pangarap ko ay 'di tugma
sa aking oras at makakaya.

Sukat na sukat itong pag-asa--
Kakarampot kahit malaya.
At bilang na bilang talaga.

Bawat pantig nito'y mahalaga.
Sa bawat taludtod, makikita
Mga pighati at pagdurusa.

Bawat saknong ay kasama
Sa aking buhay, na tila aba;
At tayutay nito'y matalinghaga.


No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 13

Elias Maticas 13   Nag-iba ng daan si Elias upang umiwas sa mga tsismoso at tsismosa sa tindahan ni Manay Gloria. Kaya lang nahirapan na...