Alburuto
Bumibiyahe ako mula pa sa Antipolo
nang sikmura ko ay nag-alburuto.
Hindi na aabot pa
Ito ay sasabog na.
Mabuti, sa isang fast food, nairaos ko.
Bingo
Mahilig maglaro ng bingo si Lolo Inggo.
Araw-araw, kahit Linggo, siya'y naglalaro.
Pag bumingo, wagas makasigaw,
Nahihiya tuloy ang mga langaw.
Minsan, tumalsik din ang kanyang pustiso.
Pasahero
Nang sumakay sa dyip, nabasa ang sapatos ng ale
Kaya sa drayber ay naiinis at nagagalit ang babae.
"Baha nga po kahit saan."
Tumawag pa kay Kapitan.
Andami niyang kinakausap, pero nagkukunwari.
Sobre
"Huwag po kayong matakot sa amin," wika ng isa.
Ang dalawa naman ay namudmod ng sobre nila.
"Naaksidente po ang aming lolo,"
dagdag pa ng mamang may tattoo.
"Para po!"Ang mga pasahero ay lahat bumaba.
Bad Trip
Bad Trip
Punong-puno naman ng pasahero ang kanyang dyip,
pero dahilan ng kanyang nagmamadali ay di ko
maisip.
"Put* ng ina mo!" sigaw ng mama.
Inulit-ulit niya pa ito bago bumaba.
Driver ay nag-sorry man, commuters naman ay bad trip.
Promo
First time kong makakasakay ng eroplano,
kaya nagpa-book agad ako nang may promo.
Mga kaibigan ko'y nagpa-book din
ngunit ang pambayad ay nabitin.
Kaya... ako'y mag-isang naglakbay patungo sa malayo.
Motorsiklo
Motorsiklo
Maingat talaga ako sa pagtawid sa kalsada.
Tumitingin sa kanan. Tumitingin sa kaliwa.
Ngunit noong Sabado,
Sa gilid ako'y nakatayo,
Motorsiklo galing sa likod, bumangga sa'king paa.
Free Taste
Free Taste
Sa bus, free taste na buko pie, ang offer ng tindero.
Special daw at mura, kaya talagang matitikman mo,
Pero, once na tumikim ka,
Pipilitin ka'tmapapabili pa.
Pag-uwi mo, ang kanyang paninda, wala namang buko.
One-Two-Three
Noong kakapasok ko pa lamang sa trabaho;
kulang sa pamasahe dahil wala pang suweldo,
nasubukan kong mag-one-two-three.
Hindi ako nagbabayad ng pasahe.
Sobrang nakakatakot at nakakakaba ito.
Tiyanak
Humanga ako sa nakasakay kong masayang mag-anak--
Nagmamahalang mag-asawa at dalawang malulusog na anak.
Kasakay ko sila sa dyip.
Ang bunso'y nakaidlip--
Sa sarap ng tulog, siya'y naglalaway pa na parang tiyanak.
Sing-along sa Dyip
Sing-along sa Dyip
Ang lakas ng radyo sa dyip kaya enjoy ang mga sakay
Kaya kapag may nagbabayad ay kanyang pinapatay.
Nagsi-sing-along pa siya
Kapag pasahero'y nasuklian na.
Narinig ko talaga ito: "Ever since the world goodbye".
Resort
Sa grupo namin ay may mga taong naiinggit
Kaya kami'y nag-isip ng kanilang ikakagalit.
Hmmm. Sa FB, kami ay nag-post
na magkakasama sa isang resort.
Kunwari'y nag-outing at nagsaya nang pilit.
Cellphone
Cellphone ko'y nakakapanghinayang talaga
Nang ako'y nagbus, nadukot sa aking bulsa.
Ang natira ay tali.
Lubos na nagsisisi.
Pero, naloko ko siya kasi 'yun ay 'Made in China'.
No comments:
Post a Comment