Followers

Sunday, December 13, 2015

Opthalmologist

"Nakabagsak na naman ang mga balikat mo, 'ney," pansing-bati ng maybahay sa kararating lang na asawa. "Nagpasaway na naman ang mga estudyante mo, 'no?"
Kumunot lang ang noo ng mister. Hindi na niya halos natingnan ang asawa. Pagkababa ng bag, tahimik siyang umupo na nakasalampak ang paa. Pinilit niyang pumikit upang maibsan ang stress na kanyang nararamdaman.
Ilang minuto ang lumipas, naramdaman niyang nasa harap na niya ang misis.
"Nagsisisi ka ba sa propesyong kinuha mo?" aniya. Tangan niya ang nakaplatitong tasa ng mainit na kape.
Nang dumilat siya, bahagya niyang ikinagulat ang hitsura ng asawa. Maalikabok ito at maraming agiw ang buhok. Nahulaan niya agad ang ginawa ng asawa, bago siya dumating. Naglinis na naman ito sa kanilang bodega.
"Sana... sana opthalmology na lang ang kinuha ko." Inaabot na niya ang kape.
"Sana nga... O siya, ako'y magbibihis lang."
Nakalahati na niya ang kape nang sumigaw ang misis niya. "Daddy, ihipan mo nga ang mata ko... May parang... ano dito."
Ibinuka ng asawa ang kanyang mata. Napaurong siya. Ni hindi nga niya ito nagawang ihipan. Natawa pa siya.
"Bakit?!" Nainis ang misis.
"Hindi pala ako pwedeng maging ophalmologist. Natakot ako sa mata mo."
"Kasi na naman si Daddy, e. Ihipan mo lang..."
"Nakakatakot nga ang mata mo. Biglang lumuwa..."
Umiyak na lang sa inis ang maybahay. Tawa naman siya nang tawa. Nawala ang kanyang lumbay. 



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...