Followers

Sunday, December 13, 2015

Aanhin Ko Pa ang Puso Ko Kung Pigtas Na?

Pigtas na tsinelas ko'y aanhin ko pa?
Tulad ng puso kong wasak at sugatan
Ang mga solusyon ko rito'y dadalawa:
Aking aayusin at akin nang ibabasura.
Kung muli ko man itong magamit,
Hindi magtatagal, ito ay bibigay rin.
Kung aking itatapon at magpapalit,
Malamang, ito'y mapipigtas din.

Aanhin ko pa ang pusong laging sawi?
Ni walang ningning, wala ring sigla.
Mabuti pa ang ulap at ang bahaghari
May dalang pag-asa, may hatid na ligaya.
Nais mang kita'y muling subukang ibigin
Hindi kayang lumimot ng pusong sugatan.
Kirot at hapdi nito'y hindi kayang pawiin.

Aanhin pa kita kung ako'y winasak mo na?
Iniwang nang luhaan; nais mo pang lunurin
Tulad ng pigtas na tsinelas; iyong inabandona
Sa gilid ng kalsada, walang nais umangkin.
Sino ba naman ako upang pahalagahan?
Katulad ko'y isang basura, isang patapon
Laging nasa lusak, laging nasa kadiliman
Nagdurusa, nakalugmok... di makaahon.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...