Followers

Tuesday, December 22, 2015

Takot

Alas-tres ng madaling-araw, marahang bumangon ang secretary ng isang ahensiya ng gobyerno mula sa magara at malambot na kama. Dumiretso siya sa pinakaibabaw ng gusali.

Umapak siya sa mataas na harang. Tanaw niya doon ang nagkikislapang mga bituin. Pinagmasdan niya ang mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan sa gilid ng hotel. Gusto niyang malula dahil sa taas ng kinatatayuan niya. Isang pagkakamali ng galaw niya ay maaari siyang mahulog. Nilabanan niya ang takot. Kailangan niyang magawa iyon bago sumilip ang araw. Sawa na siya. Pagod na siyang lokohin ang sarili. Gusto na niyang malampasan ang takot na iyon.

Hindi ang fear of heights ang nagpahirap sa kanyang kalooban, kundi ang takot sa pang-uusig ng taumbayan.

"Patawad, Pilipinas!" sigaw ni Secretary habang nakadipa.

Pumikit siya at pinatuhulog ang sarili.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...