Followers

Tuesday, December 22, 2015

Positive O: Great works are performed, not by strength, but by perseverance.

"Great works are performed, not by strength, but by perseverance." --Samuel Johnson Tama! Hindi naman lahat ng tagumpay ay dahil sa tibay at lakas. Hindi lahat ng magagandang bagay sa mundo ay maaabot sa isang iglap. Ang iba ay dahil sa pagtitiyaga at paghihintay. Gumugol ng oras at panahon para lamang makuha ang inaasam. Kung natatandaan mo ang kuwento ng langgam at ng tipaklong, ito ang pinakamainam na halimbawa para dito. Higit na malaki at may kakayahan ang tipaklong kaysa langgam, ngunit dahil sa katamaran ay nagutuman siya pagdating ng tag-ulan. Imagine-nin mo rin kung paano nagawa ang Hagdan-Hagdang Palayan. Ito ay isa sa mga pambihirang resulta ng kasipagan at pagtitiyaga ng ating mga ninuno. Hindi man sila ang mga edukadong tao o inhinyero, ngunit ang ambag nila sa kasaysayan ay hindi matatawaran. Bawat tao ay may kalakasan at kahinaan. Kung ang kahinaan ay sasamahan ng tiyaga, ito ay magiging lakas at sandata, ngunit ang kalakasan na walang pagtitiyaga ay isang kahinaan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...