Followers

Sunday, December 27, 2015

Utang na Loob

Apat na beses tumawag si Melia sa kanyang tita at paulit-ulit na nag-door bell. Hindi ito sumasagot ngunit parang may nakita ang kanyang asawa sa loob ng kabahayan.

"Tara na... Hindi ka pa niya napapatawad." ani Jester. Kapagdaka'y malungkot na niyakag ang misis na nasa ikalimang buwang pagdadalantao. Naisip niyang may kasalanan din siya kahit paano. Maaga silang nag-asawa.

"Hindi na niya ako mapapatawad." Halos maiyak ang misis habang papalayo sila sa dati niyang tahanan. "Kasalanan ko naman ito. Ni hindi ko nasuklian ang pagpapaaral niya sa akin... Hindi na nga siya nakapag-asawa... Wala akong utang na loob..." Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Melia.

Pinisil lang ni Jester ang kamay ni Melia. Kung alam ng misis niya na nasaktan nang husto ang tita niya dahil mas pinili niya ang pamangkin kaysa sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...