Followers

Thursday, December 10, 2015

Ginintuang Blusa

"Kasya kaya ito sa teacher mo? tanong ng ina sa kindergarten na anak. Nagbebenta kasi siya ng mga damit pambabae.
Tiningnan lang siya ng anak.
"Bakit bebentahan mo pa?" ang ama ang nagsalita.
"Hindi. Ireregalo natin sa kanya bilang teacher ng anak natin."
"Ah... Sige. Tingnan ko nga." Kinuha ng ama ang ginintuang blusa at sinuri-suri. Inilapat pa niya sa kanyang katawan. "Ang luwang ng leeg. Luwa nito ang dibdib niya."
"Ganyan talaga 'yan. Pag suot na niya 'yan, hindi na ganun kaluwang."
Inilapat uli ng ama ang blusang kumikinang sa kanyang matipunong katawan. Humarap pa siya sa salamin. Pagharap niyang muli sa kanyang mag-ina, ngumiti siya. "Gusto ko itich. Givesong mo na itich sa akin.''
"Hala, si Daddy!" anang anak.




No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 11

  Elias Maticas 11   “Kaya mo pa ba, Elias?” tanong ni Papay Oliver pagkalabas nila sa bakuran nina Tio Gadoy at Tia Mameng. Nakaakbay i...