Ang mundo natin ay isang laot. Ang buhay ay isang pangingisda.
Ang mangingisda ay kailangang pumalaot, depende sa uri ng isdang kanyang huhulihin.
Maraming uri ang pangingisda, gaya ng iba't ibang kagamitan upang makahuli ng isda--- lambat, bubu, bingwit, spear gun, o kahit cynide at dinamita. Sa pagpapalaot, maaaring gumamit ng maliit na bangka o malaki, de-motor man o de-sagwan. Parang ang buhay, malaya tayong makapamili ng papasukin nating karera. Kung gusto mo ng simpleng pamumuhay, walang makapipigil sa iyo. Ngunit, laging may bawal. Sa buhay man o sa pangingisda, bawal ang iligal. Mas masarap pa ring mabuhay nang simple, payapa at marangal.
Tandaan lang na maraming panganib sa laot. Marami ring kayamanan o kabuhayan doon. Nasa kamay na ng isang indibidwal kung pipiliin niyang manganib o mabuhay.
No comments:
Post a Comment