Followers

Friday, December 4, 2015

Bente Pesos

       Sumakay ang payat na binatilyo sa pampasaherong dyip. Hindi pa siya nakakaupo ay bumati na agad siya na tila isang makata. Nahulaan ng lahat ng mga pasahero na siya ay manghihingi ng donasyon. Napatunayan nila ito nang maglabas ito ng isang death certificate.
      “Huwag niyo po sanang akong katakutan o pag-isipan ng masama. Ako po ay tumatanaw lang nag utang na loob sa aking namayapang lolo na siyang nagpaaral sa aking dalawang kapatid. Siya po ay isang vendor lamang...”
      Iniladlad pa niya sa mga pasahero ang sertipiko. Binasa naman iyon ng iba. Ang iba naman ay nakinig lang. May ilan ding nakataas ang kilay.
      “Ako po ay kumakatok sa inyong mga puso. Hindi naman po masama ang ginagawa ko. Hindi po ako katulad ng ibang kabataan na idinadaan ang kahirapan sa masamang gawain...”
      Ang babaeng nagbasa ng death certificate ang unang naglabas ng bente pesos. Dumukot na rin ng pera ang iba.
      “Salamat! Salamat mga Kuya, Ate!” Hindi pa naman sa kanya naiaabot.
      “Para po!” Pumara ang isang mama. Siya ang hindi kumbinsido sa drama ng binatilyo.
      Nauna pang nakababa ang binatilyong namatayan daw ng lolo. Natanggap na niya ang mga pera mula sa mga nauto niya. Napakamot na lang ang ibang hindi nagbigay.
      Pagkabab, naghintay pa ang binatilyo ng isa pang dyip na bibiktimahin niya.
      “Naku, nagpapaloko kayo sa mga ganyang klaseng tao!” sabi ng drayber. “Ilang linggo nang patay ang lolo niya.”
      Tila napahiya ang mga pasaherong nagbigay ng pera.
      “Nung nakaraang buwan ang lola niya.” patuloy ng driver. “Sa susunod, sino naman kaya ang mamamatay?”
       Isang malakas na tunog ang narinig nila mula sa kanilang hulihan. Tumilapon pala ang binatilyo nang mabangga siya ng isang humaharurot na pampasaherong dyip. Umagos ang dugo mula sa kanyang ulo hanggang sa death certificate at sa mga perang papel nasa kanyang ulunan.
     

       

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...