Followers

Wednesday, December 2, 2015

Pangingisda, Isang Pangarap

"Gusto kong maging mangingisda!" Iyan ang sabi ko noong bata pa ako.
Nagsimula akong mangarap maging mangingisda nang tumira ako sa tiyo ko na malapit sa dagat ang bahay. 
Tuwing gabi, nakikita ko ang mga tila bituin sa laot na kumukutikutitap. Gusto kong makarating doon. Naisip ko kung gaano kalayo ang pinangingisdaan nila. Paano ba manghuli ng mga isda?
Natupad ko nga ang pangarap na iyon nang dalawampu't walong gulang na ako at may natapos na akong kurso sa kolehiyo. Pero, hindi ko iyon tiningnan bilang isang kabiguan, kundi isang inspirasyon, isang natupad na pangarap. 
Simula noon, tumaas lalo ang tingin ko sa mga mangingisda. Hindi kasi madali ang kanilang trabaho. 
Naunawaan ko na rin ang lahat ng bagay tungkol sa pangingisda. Nasagot ko na rin ang mga katanungan sa aking balintataw. Totoo ngang hindi natin mauunawaan ang sarap ng buhay kapag hindi natin natikman ang hirap nito.
Ang pangingisda ay isang marangal na trabaho, ngunit bibihira ang nangangarap maging mangingisda. Walang yumayaman dito, pero mayaman ang karagatan. 



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...