Followers

Thursday, December 3, 2015

Mangisda at Magtanim

Ang mundo ay binubuo ng tatlongkapat na tubig. Ang pinakamalaking bahagi doon ay karagatan. Maubos man ang lupang mapagtatamnan, imposible namang maubusan ang mapapangisdaan. Kaya nga, wala sanang taong magugutom kung ang bawat isa ay marunong mangisda.
Subalit gaano man kalaki ang karagatan, hindi lahat ng pagkakataon ay maraming huli. Minsan, kahit isang maliit na isda ay wala. Pagsubok, 'ika nga. Hindi ito nangangahulugang naubusan ng isda ang karagatan. Ito ay nagsasabing kailangang maghanap ang mangingisda ng ibang pangisdaan. Uulitin ko, malawak ang karagatan. Malaki ang mundo. Maraming mapagkukunan ng yaman. Hindi dapat humihinto ang kakayahang mangisda ng isang tao dahil lamang sa kabilugan ng buwan o dahil sa unos.
Kung ang bawat mangingisda ay marunong ding magtanim, wala sanang kagutuman at kahirapan sa mundo.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...