Followers

Thursday, December 3, 2015

Siklo ng Pangingisda

Ang buhay nga raw ay isang siklo. Ang buhay ng isang mangingisda ay paulit-ulit. Minsan, sagana, minsan, wala. Kung marami ka mang huli ngayon, bukas baka wala na. Kaya habang meron, kayod nang kayod. Malawak ang karagatan. Hindi lang isda ang pwedeng hulihin upang maging ulam o maging source of income. Maraming paraan ng pangingisda. Maraming kagamitan upang makahuli ng isda. Katulad ng hanapbuhay, sari-saring trabaho ang inaalok ng mga kompanya o gobyerno. Sipag at tiyaga lang ang kailangan. Bilang mangingisda, kailangan may iba ka pang pagkakakitaan. Nauubos din kasi ang isda, kahit paulit-ulit at palagian ang pangingitlog nila. Ang karagatan ay nariyan lamang, kagaya ng oportunidad, ngunit nangangailangan ng tamang panahon, kakayahan at kaalaman sa pangingisda. Hindi dapat sinasayang ang mga magagandang pagkakataon. Kapag nakatago ang buwan, pumalakaya ka. Kapag walang sigwa, mangisda ka. Kapag maraming huling isda, magbenta o kaya ay mag-imbak. Maaaring gumawa ng daing o tuyo. Kumbaga, mag-ipon para sa darating na taggutom o sa oras ng pangangailangan. Ang buhay ng mangingisda ay siklo, ngunit kung hindi napaghahandaan ito nang husto ay magiging permanente-- maaaring nasa taas lang o nasa baba.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...