Followers

Wednesday, December 2, 2015

Liwanag

Ang liwanag ng ilaw at buwan ay nakakaapekto sa pangingisda. Mahalagang malaman ang kaibahan nila.  Hindi lahat ng panahon ay mahalaga ang liwanag. 
Sa pangingisda, ang buwan ang kalaban ng mga mangingisdang pumapalaot sa gabi. Hiwa-hiwalay ang school of fish kapag maliwanag ang buwan kaya mahirap makahuli nang maramihan.
Ang liwanag rin-- mula sa petromax o bombilyang pinapaandar ng baterya, ang tanging tanglaw ng mga mangingisdang pumapalakaya. Ito ay mahalaga sa kanila upang makita nila ang mga nahuli nilang isda. Naihiwa-hiwalay nila nang maayos at tama ang laki at uri ng isda. Hindi naman kasi lahat ng isda ay maaaring kainin o ibenta. 
Ang liwanag rin ang gagabay sa mga mangingisdang galing sa laot kapag dadaong na. Ang ilaw mula sa parola ang kanilang gabay upang sila ay makabalik sa kanilang pinanggalingan.   
Ang bawat liwanag ay may papel na ginagampanan sa mga mangingisda. Ito ay gabay nila sa pamamalakaya. Katulad ng bawat tao, ginagabayan tayo ng Diyos ng Kanyang liwanag. Ayaw niya tayong manatili at mapadpad sa kadiliman.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...