Ako'y isang pulubi---
mabaho, marusing at madumi.
Tahanan ko ay ang kalye,
ngunit turing pa sa akin ay salbahe.
Kailangan ko pa bang magpahid ng grasa
o magsuot ng gulagulanit na damit
para lamang kayo'y aking mapaniwala
na ako'y isang pulubi at 'di nang-uumit?
Kailangan ko pa bang ibuklat itong palad;
ang balikat mo ay akin pang kalabitin;
ang sobre kong hawak, sa iyo pa ilahad;
at ang alikabok sa sapatos mo'y tanggalin?
Kailangan pa bang sa harap mo'y lumuha ako;
magmakaawa at paniwalain kang ako'y pulubi;
kumanta't tumugtog ng mga latang instrumento;
at makarinig ng mga paratang na mahapdi?
Kailangan ko pa bang magpatintero sa daan
at kalimutang ako ay may isang buhay
para lang kumatok sa iyong sasakyan
at hintayin ang barya na iyong ibibigay?
Kailangan ko pa bang sabihing ako'y nagugutom;
na ako'y walang tirahan o walang magulang;
ako'y walang edukasyon at sa solvent, nagugumon;
at katawan ko'y numinipis, sa sakit ay nadadarang?
Kailangan ko pa bang sa kalye ay mamalimos,
upang kumakalam kong sikmura'y malamnan;
upang ang buhay ko araw-araw ay mairaos
at upang ako lamang ay inyong pagmasdan?
Kailangan ko pa bang matulog sa kalsada;
maulanan-mainitan at kumain ng tira-tira
habang ikaw ay komportable sa iyong kama
at ang hapunan mo ay animo'y nasa pista?
Ako'y isang pulubi...
Hindi ko na kailangang humingi
kung ang puso mo'y para sa mga sawi
at hindi sinasamba ang salapi.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment