Followers

Sunday, December 13, 2015

Musika ang Buhay

Ang buhay ay isang musika.
May malungkot; may masaya.
Maaaring tugtugan ng gitara,
upang mas kaaya-aya sa tenga;
Buo ang tunog kapag may pamilya.
Maaari rin namang acapella;
inaawit nang wala ni pianista--
kung ayaw mong may kasama.

Ang musika ay buhay, di ba?
Ang nota ang ating hininga.
Sa bawat nating pagkanta
maaaring pumiyok o mapaos pa.
Kung awitin mo'y ayaw ng iba,
ang himig mo'y di nila makuha.
Ang iba naman ay mapapatipa;
kahit na siya ay sintonado pa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...