Followers

Thursday, December 10, 2015

SulaTips #1

Wala naman talagang akdang cliche'. Lahat ng akda ay orihinal, maliban doon sa talagang produkto ng plagiarism.
Sino ba sa atin ang walang iniidolong manunulat? Sino ba sa atin ang hindi kumuha ng ideya o estilo sa kapwa manunulat?
Ipokrito tayo kung sasabihin nating hindi.
Sa dami ng manunulat sa mundo, may ideya pa ba kayang orihinal?
Wala na! Kaya nga, tayo bilang critic, hayaan nating isulat ng kapwa natin manunulat ang akdang nakasanayan niya. Malaya tayong lahat. Gusto nating maglakbay ngunit meron sa atin ang naduduwag na lumayo dahil ayaw nating maligaw. Pasasaan ba't matutunton din natin ang daan tungo sa sinasabi nating originality at bagong estilo. Huwag tayong magmadali. Lahat tayo ay patungo sa iisang direksiyon. Kahit nga ang idolo nating manunulat ay may idolo rin. Nanggaya at kumuha rin sila ng ideya at estilo sa kanyang hinahangaang manunulat.
Tayo, bilang mga baguhang manunulat, wala tayong karapatang hushagan ang akda ng iba. Kahit na nga may napatunayan na tayo, wala pa rin tayong karapatang pababain ang morale ng iba. Bagkus, dapat pa natin silang tulungan.
Kaya tayong mga bagong manunulat ay magsulat lang tayo nang magsulat. Hayaan natin ang kritisismo ng iba. Gawin natin itong inspirasyon. Huwag lang nating kalimutang isulat ang akda na may bahagi sa buhay natin. Iyon lamang kasi ang magpapatotoo na ang akda natin ay orihinal at hindi cliche'.
Sabi nga ni Marcelo Santos, sulatin mo kung ano ang uso. Writing is business. Tama naman. Huwag kang magtinda ng santol juice kung ang tinatangkilik ng tao ay samalamig.
Think about it. Mapapatunayan nating "Walang akdang cliche para sa manunulat na negosyante."

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...