Unang araw ng Disyembre. Maganda ang mood ko kahit ako lang yata ang pinakamaraming pumasok na estudyante sa buong Gotamco. Hindi naman ako nahirapang mag-manage kahit medyo busy ako. Blessing pa ang mga pahabol na bayad sa field trip.
Sana tuloy-tuloy na ang good vibes.
Nabilhan ko na rin pala si Mama ng maliit na rice cooker. Standard ang tatak. Kailangan ko na rin palang mamili ng mga panregalo para sa aking mga pamangkin at mga anak.
Pagdating namin ni Ion sa boarding house, masama na naman ang pakiramdam ni Emily. Grabe... Pinahihirapan siya ng sakit sa likod. Idagdag pa ang sipon. Ako na nga ang nagbanlaw ng binabad niya.
Disyembre 2, 2015
Maaga pa lang ay naghanda na ako para sa pagpunta sa hideout. Iyon kasi ang napagkasunduan namin ni Sir Erwin, since Pasay Day ngayon. Walang pasok.
Pinaliguan ko na si Zillion dahil nakahiga pa rin si Emily. Nagsaing. Bumili ng ulam nila. Hinilot ko na rin si Emily. Naghintay ako hanggang alas-dos. Kaya lang, hindi nagtext si Sir. Gabi na siya nag-chat. Inabutan daw siya ng hapon sa Manila Teachers. Okay lang naman. Nakapagpahinga ako at nakasulat ng mga akda.
Tinamad na rin akong mag-grocery. Kaya, bukas, sa field trip, wala kaming baon ni Zillion.
Disyembre 3, 2015
Alas-kuwatro pa lang ay bumangon na ako. Alas-sais daw kasi
ang departure ng bus. Pinilit ko pang gisingin si Zillion para di kami ma-late.
Pero, ang nangyari, nagpahintay si Mam D. Nasa kanya ang tickets ng Dino
Island. Hindi makakaabante ang mga bus kung wala siya. Andami ngang nainis na
parents at pupils.
Nakaalis kami bandang 7:30. Filipino time talaga lagi. Ang
init na tuloy nang dating naming sa Barasoain Church.
Mabuti na lang na-enjoy ko naman kahit paano ang field trip
at ang itineraries, lalo na nang makita kong enjoy na enjoy si Zillion at walang
aberyang nangyari.
Alas-otso y medya ay nakauwi na kami.—safe and sound. Medyo sumakit
lang ang ulo ko.
Sana maiuwi namin ang tagumpay.
Disyembre 5, 2015
Alas-singko ay gising na ako para sa awarding. Pasado alas-sais na kami (Jessica, nanay niya, ako at Mam Loida) nakaalis sa Gotamco. Nag-commute lang kami. Akala namin ay malayo. Maaga pa kaming nakarating doon. Pasado alas-siyete. Dalawang oras yata kaming naghintay bago nagsimula. Tapos, hindi naman kami nanalo. Wala ni isa mang Gotamecian ang nakapasok sa 10th to 1st place. Hindi para sa amin ang araw na iyon. Mabuti na lang at nanlibre si Mam Loida ng lunch.
Okay na rin. Experience is the best prize or reward. Ang maganda pa, nakapagsulat pa ako ng dagli pagkauwi ko dahil may na-experience ako sa bus. Nilagyan ko lang ng twist sa ending.
Pasado alas-siyete y medya, nag-PM si Aileen. Ibinalita niya na patay na si Auntie Leny. Nalungkot ako. Last May, noong patay si Papay Benson, buhay pa siya at noong isang araw, nakita ko pa siya sa Facebook ng mga kapatid niya. Well, that's life.
Disyembre 6, 2015
Pasado alas-dose ng madaling-araw kanina ay nagising ako dahil kumati at namanhid ang kanang palad ko. Kinagat na naman kasi ako ng blood sucker. Nahuli ko naman ito at napatay pero nasipsipan niya na ako ng maraming cc ng dugo. Kakaiba ngayon ang epekto nito sa akin. Hindi nga masyadong marami ang pantal pero ang tindi naman ng pagmanhid ng buong braso ko. Sobrang kati pa. Ultimo ang scalp ko ay kumati. Kalahating oras din akong nagkamot.
Maaga rin akong nagising kahit puyat. Maga pa rin ang kamay ko. Maghapon kong hinintay ang pag-impis nito pero parang walang pagbabago. Ang tingin ko ay lalo yatang lumalaki.
Gayunpaman, nakapagbanlaw pa ako ng mga binabad ko kagabi.
Nagpadala pala ako kaninang umaga kay Aileen ng isang libo. Ito ay ipinapaabot ko sa pamilya iniwan ni Auntie Leny.
Ngayong gabi naman, nakausap ko si Mama through FB messenger ni Flor. Uuwi raw siya. Hindi pwedeng hindi. Namublema tuloy ako.
Disyembre 7, 2015
Nainis ako kay Emily bago kami pumasok ni Zillion sa school. Imbes kasi na matulungan niya akong maihanda ang anak namin, mas pinagbigyan niya pa ang sarili sa pagtulog. Ako na nga ang namamalantsa ng mga uniform namin, ako pa rin ba ang mag-aasikaso ng almusal at ng pagpapaligo sa bata? Diyos ko! Akala ko pa naman, maalaga siya sa anak..
Siya na ang nagpaligo kay Zillion dahil nagsalita na ako. Ang pangit naman kasing isipin at tingnan na nakabihis na ako lahat-lahat, ako pa ang magpapaligo sa anak namin.
Dahil dito, naging mainit ang ulo ko. Although hindi naman ako naglait o sumigaw o nanermon sa klase ko habang nagtuturo, naging aloof naman ako sa mga co-teachers ko. Maghapon akong tahimik. Maghapon akong nagturo. Alam ko, ramdam nila iyon. Kahit pag-uwi ko, hindi ko pa rin masyadong pinapansin ang asawa ko, lalo na't nagpakasubsob ako sa Wattpad, Sulat Pilipinas at The Martian.
Past eleven ng umaga ay pinauwi na namin ang mga bata para sa aming faculty meeting.
Sa mewting, pinadebatehan namin ang tungkol sa party. Antagal naming nagpalitan ng opinyon at suhestiyon bago na-finalize.
Alas-4:00 ay nasa hideout na kami nina Mamah. Dumating kasi siya sa kalagitnaan ng aming meeting. Birthday niya sa December 16. Ayaw niya sa date na yun ang aming Christmas Party kaya ginawa namin ngayong hapon. Biglaan pero halos kumpleto kami. Hindi lang nakadalo sina Archie at Diana.
Andami kong nalaman sa mga kuwento ni Papang. Andami ko ring na-share sa kanya. Hinding-hindi ko ititigil ang pagpa-publish ko ng 'The Martian'. Lalo ko silang iinggitin.
Dagdag blessing pa ang pagkakakilala ko kay Mahogany Loring. Willing siyang tumulong para ma-publish ang mga akda ko. May plano pa sila ni Sir Imma na magtayo ng publishing company na Kandila Publishing. Nice! Excited na ako.
Disyembre 12, 2015
Alas-sais y medya ay nasa Bautista na ako. Inaabangan na ako ni Flor. Mabuti naman dahil siya na rin kasi ang naghatid ng mga pamasko ko kina Hanna at Zj.
Disyembre 13, 2015
Nagkuwentuhan kami ni Loring ng tungkol sa aming buhay may pamilya. Ang sarap niyang kausap.
Ang haba ng tulog ko. Nanaginip pa nga ako. Paggising ko ay dumating sa Bautista sina Auntie Vangie. Namigay ng regalo. Hindi na sinabi ni Mama na nandun ako. Nakatanggap si Zillion ng gifts. Meron din ako. Wala lang si Emily.
Seven, umalis na ako sa Bautista. Past 9 ako nakarating sa Pasay.
Disyembre 14, 2015
Nag-chat kami ni Loring tungkol sa "Ang ALmat sa Pahilis" ko na nais kong i-self-publish. Magiging copycat daw ako dahil kapareho ng style sa ABNKKBSNPLAKo ni Bob Ong ang style na ginamit ko rito. Sinabi ko naman sa kanya na idol ko siya at dahil sa aklat na iyon kaya ko nasimulang isulat ang aking educational autobiography. Kasalanan ba 'yun?
Nag-claim muna kaming GPTA Officers sa Pasay City complex ng aming grocery package na bigay doon sa GPTA Christmas party, bago kami umuwi. Hindi na ako nakipagkantahan sa mga co-teachers kong lalaki. Wala ako sa mood. Antok at masakit na ang ulo ko.
Umidlip ako, kasabay ni Zillion pagkatapos magkape. Ang sarap matulog. Kundi lang ako kailangang maghanda at magligpit para naman bukas at para sa pag-alis namin sa Sabado patungong Aklan, ay matutulog na akong magdamag.
Disyembre 19, 2015
Pasado alas-siyete ay nakasakay na kami ni Zillion sa bus na patungo sa Batangas Port. Medyo masama ang panahon pero hindi naman nagbabadya ng bagyo. Tiwala akong magiging ligtas ang aming biyahe. Ang problema, hindi kami sa 2Go nakasakay. Hindi ko na mahihintay pa na magbukas iyon kaya sumakay na ako sa MonteNegro Shipping Lines na patungong Calapan. Mag-iilang sakay ba kami pero okay lang.
Nang nasa van na kami patungong Roxas Port, napagtanto ko na malaki pala talaga ang pinsala na dulot ng bagyong Nona. Grabe! Nakakaawa ang mga kabayahan at kabuhayan nila.
Nainis din ako sa bagal at sikip namin sa van. Ang hirap! Gusto ko nang magsisi kung bakit di kami nag-eroplano.
Alas-nuwebe na kami nakaalis sa Roxas Port. Ayos lang dahil at least nakakain na kami. Nagutuman kasi kami kaninang tanghali. Walang pagkain sa barko. Diretso biyahe pa ang van.
Alam na ni Emily na parating kami. Nabasa niya ang post ko. Akala ko pa naman ay magugulat ko sila. Hehe
Disyembre 20, 2015
Nasa Caticlan na kami bandang alas-dos ng madaling-araw. Nakasakay agad kami ng bus patungong Iloilo. Apat na oras ang biyahe papuntang Altavas kaya maliwanag na nang kami ay nakarating sa bahay ng mga biyenan ko.
Umidlip agad ako. Si Zillion ay nakipaglaro. Alas-nuwebe yata iyon nang mabunggo naman si Tatay ng motorsiklo kaya inasikaso pa ni Emily ang pagpapablotter at pagdala sa hospital. Mabuti na lang at hindi naman napurohan. Nagpa-CT Scan pero negative naman. Hay! Nataranta tuloy ang lahat.
Nagpahinga ako maghapon. Nagsulat din ako at nag-update sa Wattpad. Gusto kong magawa ito ngayong holidays.
Disyembre 21, 2015
Ikalawang araw namin ni Ion sa Altavas. Medyo nakapag-adjust na ako sa pagtulog. In fact, pagkatapos kong maligo ay nakaidlip ako. Nakatulugan ko ang pakikipag-chat kay Loring.
Masarap din ang kain ko. Naging magana ako lalo na't may gulay.
Umidlip pa kami bandang hapon. Dadalaw sana kami pagkagising sa kamag-anak ni Emily, kaya lang dumating ang pinsan niya. Hindi na kami natuloy.
Disyembre 22, 2015
Nagkasakit na naman si Zillion. Grabe ang hapo niya. Sumuka pa. Inakala naman nina Emily na nabati siya ng mga lamang-lupa kaya pinatawag nila ang manggagamot. Nakita ko kung paano ito nag-orasyon gamit ang luya.
Nakakatawa na nakakatakot. Pati si Emily ay nagpadasal din dahil sumakit na naman ang ulo.
Ang findings ng quack doctor, nabati nga silang dalawa. Sabi ko nga, dapat ako ang nabati dahil ako ang dayuhan. Sanay na raw ako sa gubat. Taga-bundok daw kasi ako.
Maghapong nagpaalaga si Zillion. Nahihirapan kaming lahat. Hindi rin kasi gumaling sa panggagamot ng albularyo. Ipinahilot pa siya. Lalo lang siyang umingit nang umingit. Hindi ko tuloy magawang kalimutan ang Pasko namin noon sa hospital dahil nagkasakit siya. Nasabi ko nga kay Emily na lagi na lang kaming ganito tuwing December. Imbes na masaya, nalulungkot dahil sa problema. Nagkakataon lang daw.
Disyembre 4, 2015
Hindi pinapasok ni Emily si Zillion. Tamang-tama naman dahil
halos wala namang estudyante. Sa Grade 5, ang V-Mars ang pinakamarami. Eighteen
ang pumasok sa akin.
Pinaglaro ko lang sila pagkatapos kung pasagutan ang 5-item
seatwork. Hindi ako nahirapan. Nakapagpahinga ako.
After classes, nag-grocery muna ako.
Then, gabi, nag-chat kami ni Mam Loida tungkol sa pagpunta naming
sa awarding ng MMYWCC. Kinausap na niya ako tungkol dito kaninang umaga.
Disyembre 5, 2015
Alas-singko ay gising na ako para sa awarding. Pasado alas-sais na kami (Jessica, nanay niya, ako at Mam Loida) nakaalis sa Gotamco. Nag-commute lang kami. Akala namin ay malayo. Maaga pa kaming nakarating doon. Pasado alas-siyete. Dalawang oras yata kaming naghintay bago nagsimula. Tapos, hindi naman kami nanalo. Wala ni isa mang Gotamecian ang nakapasok sa 10th to 1st place. Hindi para sa amin ang araw na iyon. Mabuti na lang at nanlibre si Mam Loida ng lunch.
Okay na rin. Experience is the best prize or reward. Ang maganda pa, nakapagsulat pa ako ng dagli pagkauwi ko dahil may na-experience ako sa bus. Nilagyan ko lang ng twist sa ending.
Pasado alas-siyete y medya, nag-PM si Aileen. Ibinalita niya na patay na si Auntie Leny. Nalungkot ako. Last May, noong patay si Papay Benson, buhay pa siya at noong isang araw, nakita ko pa siya sa Facebook ng mga kapatid niya. Well, that's life.
Disyembre 6, 2015
Pasado alas-dose ng madaling-araw kanina ay nagising ako dahil kumati at namanhid ang kanang palad ko. Kinagat na naman kasi ako ng blood sucker. Nahuli ko naman ito at napatay pero nasipsipan niya na ako ng maraming cc ng dugo. Kakaiba ngayon ang epekto nito sa akin. Hindi nga masyadong marami ang pantal pero ang tindi naman ng pagmanhid ng buong braso ko. Sobrang kati pa. Ultimo ang scalp ko ay kumati. Kalahating oras din akong nagkamot.
Maaga rin akong nagising kahit puyat. Maga pa rin ang kamay ko. Maghapon kong hinintay ang pag-impis nito pero parang walang pagbabago. Ang tingin ko ay lalo yatang lumalaki.
Gayunpaman, nakapagbanlaw pa ako ng mga binabad ko kagabi.
Nagpadala pala ako kaninang umaga kay Aileen ng isang libo. Ito ay ipinapaabot ko sa pamilya iniwan ni Auntie Leny.
Ngayong gabi naman, nakausap ko si Mama through FB messenger ni Flor. Uuwi raw siya. Hindi pwedeng hindi. Namublema tuloy ako.
Disyembre 7, 2015
Nainis ako kay Emily bago kami pumasok ni Zillion sa school. Imbes kasi na matulungan niya akong maihanda ang anak namin, mas pinagbigyan niya pa ang sarili sa pagtulog. Ako na nga ang namamalantsa ng mga uniform namin, ako pa rin ba ang mag-aasikaso ng almusal at ng pagpapaligo sa bata? Diyos ko! Akala ko pa naman, maalaga siya sa anak..
Siya na ang nagpaligo kay Zillion dahil nagsalita na ako. Ang pangit naman kasing isipin at tingnan na nakabihis na ako lahat-lahat, ako pa ang magpapaligo sa anak namin.
Dahil dito, naging mainit ang ulo ko. Although hindi naman ako naglait o sumigaw o nanermon sa klase ko habang nagtuturo, naging aloof naman ako sa mga co-teachers ko. Maghapon akong tahimik. Maghapon akong nagturo. Alam ko, ramdam nila iyon. Kahit pag-uwi ko, hindi ko pa rin masyadong pinapansin ang asawa ko, lalo na't nagpakasubsob ako sa Wattpad, Sulat Pilipinas at The Martian.
Disyembre 8, 2015
Hindi sumabay si Zillion sa pagpasok ko. Nasarapan sa pagtulog. Hinatid na lang ni Emily para sa afternoon session.
Hindi sumabay si Zillion sa pagpasok ko. Nasarapan sa pagtulog. Hinatid na lang ni Emily para sa afternoon session.
Nagturo ako nang masaya at energetic. Naunawaan nila agad. Nahirapan lang sila mag-drawing ng congruent at similar fractions.
After class, nag-meeting kaming GPTA Officers. Pagkatapos ay nakipagkita ako kay Papang para kunin ang data para pinapagawa niyang annual report.
Disyembre 9, 2015
Inspired sana akong magturo ng circle at parts of a circle, kaso nga lang nagmeeting ang kaming mga grade leaders para sa Christmas Party. Hindi ko tuloy naituro sa Section 1. Mabuti na lang at nakapagturo na ako sa V-Mars.

Wala na rin kaming palitan pagkatapos ng meeting dahil pinag-usapan namin ang tungkol sa party. Sa January na raw kami uli magturo. Nakapagpasulat na rin ako ng balita at sanaysay sa mga pupils ko. At magagawa ko pa ito bukas. Nakuwentuhan o nabasahan ko pa sila ng dagli ko. Gustong-gusto nila.
After ng klase, pumunta kami sa hideout. Nandun na si Papang. Nagkuwentuhan kami habang gumagawa ako ng report niya. Naroon kami para sa birthday ni Plus One.
Alas-singko y medya na yata kami nakapagsimulang kumain. Ang sasarap ng pagkaing binili nila. Ang saya rin namin. Grabe, panay ang tawanan. Andami naming kalokohan.
Masaya rin ako ngayong araw dahil nakachat ko ang bagong FB friend ko na si Loring. Naging kaibigan ko siya dahil sa Sulat Pilipinas. Nagustuhan ko ang mga kanta niya. Ang nakakatuwa pa, kakantahin niya at lalagyan ng melody ang lyrics ko na "Problema Lang 'Yan".
Nasa hideout pa lang ako ay may melody na ang kanta. Ang ganda ng rendition niya although hindi pa buo. Chorus pa lang. Aabangan ko bukas ang kabuuan nito. Excited ako. Nakakaiyak sa tuwa.
Disyembre 10, 2015
Halos mangalahati na ang mga pumasok na pupils ko. Okay lang naman. Halos wala na silang interes mag-aral. Kaya hindi na rin ako nag-lesson. Pero, nagapasulat ako ng sanaysay, balita at tula. Gusto ko kasing matapos na ang Volume 2 ng The Martian.
Pagkatapos nilang magsulat, nagpalinis ako ng classroom. Natuwa sila dahil napi-feel na nila ang excitement ng Christmas o Christmas Party.
Ilang oras lang, nakapag-decorate na kami. Readyng-ready na. Pagkain na lang ang kulang. Ang gagaling naman nila sa decoration. Maganda ang outcome.
Pagkatapos nila, pinaglaro ko na lang sila. Don ako nahirapan dahil may nagsuntukan at nagkasakitan. Gayunpaman, tolerable pa naman. Away-bata lang.
Past one-thirty, nagmeeting ang mga MTs at GLs with Mam Deliarte. Andaming concerns. Nabanggit din doon ang journalism. Impliedly, gusto nila akong tumulong sa paggawa ng Tambuli. Bakit daw nagsasarili ako. Ang sumatotal, wala silang nahitang confirmation ng tulong sa akin.Umuwi agad ako pagkatapos dahil wala namang practice ng sayaw ang hideouters. Nag-Baclaran sila.
Sa boarding house, pagkatapos kong umidlip, nag-post ako g Sulatips sa SP. Ilang minuto lang, naging mainit na ang balitaktakan doon. Ipinagtanggol ako ni Mahogany. Nagkaroon tuloy siya ng kaaway. Thankful ako sa kanya. Ang yabang naman kasi ng isa. Akala mo kung sinong accomplished writer.
Later, nalaman ko ang mali ko. Sana pala di ko na binanggit ang 'business' at di ko na rin na-mention si Marcelo Santos III.
Gayunpaman, nakatulong ako. Nakapagbigay din ng opinyon ko. May mga tao talagang sarado ang isip dahil napuno na ang utak nila ng kayabangan. Dinala na nila sa ulo ang katanyagan at tagumpay. Poor people.
Disyembre 11, 2015
Marami-rami pa rin ang estudyante kong pumasok. Pero hindi naman ako nahirapan. Pinaglaro ko lang sila. Nakipagkuwentuhan ako sa mga kaguro ko. Matagal din kaming nagkuwentuhan ni Mam Rose tungkol sa mga buhay-probinsya.
Past eleven ng umaga ay pinauwi na namin ang mga bata para sa aming faculty meeting.
Sa mewting, pinadebatehan namin ang tungkol sa party. Antagal naming nagpalitan ng opinyon at suhestiyon bago na-finalize.
Alas-4:00 ay nasa hideout na kami nina Mamah. Dumating kasi siya sa kalagitnaan ng aming meeting. Birthday niya sa December 16. Ayaw niya sa date na yun ang aming Christmas Party kaya ginawa namin ngayong hapon. Biglaan pero halos kumpleto kami. Hindi lang nakadalo sina Archie at Diana.
Andami kong nalaman sa mga kuwento ni Papang. Andami ko ring na-share sa kanya. Hinding-hindi ko ititigil ang pagpa-publish ko ng 'The Martian'. Lalo ko silang iinggitin.
Dagdag blessing pa ang pagkakakilala ko kay Mahogany Loring. Willing siyang tumulong para ma-publish ang mga akda ko. May plano pa sila ni Sir Imma na magtayo ng publishing company na Kandila Publishing. Nice! Excited na ako.
Disyembre 12, 2015
Pagkatapos kong magbanlaw ng mga binabad na damit, naglista ako ng mga bibilhing regalo. Isinunod ko na ang pagpunta sa Shopwise. Nalungkot ako nang kaunti dahil hindi ko nabili lahat ang nasa listahan. Kulang na sa budget, kulang pa sa panahon. Kailangan ko pa kasing balutin ang mga regalo at pumunta sa Antipolo upang ibigay naman ang mga iyon sa kanila, since sa December 19 ay bibiyahe kami ni Zillion papuntang Aklan. Sa January na ang balik namin.
Alas-sais y medya ay nasa Bautista na ako. Inaabangan na ako ni Flor. Mabuti naman dahil siya na rin kasi ang naghatid ng mga pamasko ko kina Hanna at Zj.
Disyembre 13, 2015
Ang sarap matulog. Malamig kasi. Halos ayaw ko pang bumangon. Kaya nga pagkatapos kong mananghalian, nag-stay lang ako sa tapos. Hindi man agad ako nakatulog dahil nakacaht ko si Lorna, nakapagpahinga naman ako nang husto.
Nagkuwentuhan kami ni Loring ng tungkol sa aming buhay may pamilya. Ang sarap niyang kausap.
Ang haba ng tulog ko. Nanaginip pa nga ako. Paggising ko ay dumating sa Bautista sina Auntie Vangie. Namigay ng regalo. Hindi na sinabi ni Mama na nandun ako. Nakatanggap si Zillion ng gifts. Meron din ako. Wala lang si Emily.
Seven, umalis na ako sa Bautista. Past 9 ako nakarating sa Pasay.
Disyembre 14, 2015
Nainis ako kaninang umaga nang malaman kong nawawala ang alkansiya ng V-Mars. Iyon ay para sana sa pang-prizes sa mga parlor games. Dadagdagan ko na lang ng konting halaga. Kaya lang, nawala na. Gusto ko mang mamintang ng estudyante ay wala akong ma-penpoint dahil wala naman akong ebidensiya. Ang alam ko lang ay inside job ang nangyari dahil wala namang ibang nawala sa mga gamit ko.
Nag-chat kami ni Loring tungkol sa "Ang ALmat sa Pahilis" ko na nais kong i-self-publish. Magiging copycat daw ako dahil kapareho ng style sa ABNKKBSNPLAKo ni Bob Ong ang style na ginamit ko rito. Sinabi ko naman sa kanya na idol ko siya at dahil sa aklat na iyon kaya ko nasimulang isulat ang aking educational autobiography. Kasalanan ba 'yun?
Pag-uwi ko, pinabasa ko na naman ang unang kabanata ng "Ang Pagsubok ni Lola Kalakal". Nagustuhan niya ito. Iyon na lang daw ang i-publish ko. Iyon naman atalaga ang gusto kong ma-publish. Nauna ko lang talagang naisulat ang "Pahilis".
Nainis ako kay Emily. Nakapagsalita tuloy ako ng hindi maganda. Paano ba nama't hindi, e, imbes na makatulong sa akin, ako pa magsisilbi. Ako na ang naglaba. Ako pa rin ang lalabas para bumili ng pagkain. Inutusan pa ako. Alam namang busy ako. Pagdating ko, nakatayo naman siya. Naisip ko tuloy na nagsasakit-sakitan lang siya.
Ang hirap...
Disyembre 15, 2015
Maulan ang panahon dahil sa bagyong Nona. Wala na nga pasok ang mga Kinder kahapon pa. Kaya lang pumunta sa school si Ion ay dahil invited siya sa birthday party ng kaklase niya.
Maulan ang panahon dahil sa bagyong Nona. Wala na nga pasok ang mga Kinder kahapon pa. Kaya lang pumunta sa school si Ion ay dahil invited siya sa birthday party ng kaklase niya.
Bandang alas-dose y medya ay sinuspend na ang klase. Hindi naman ako agad na umuwi. Mga alas-2:30 yata yun anng umuwi ako para umidlip.
Alas-kuwatro ay pumunta ako a JRES para sa Christmas Party ng GPTA Federation. Filipino time na naman ang nangyari. Mabuti na lang at naging masaya naman ako. Nakakatawa naman kasi ang mga naganap.
Ang lakas ng ulan nang umuwi kami. Basang-basa ang sapatos ko.
Disyembre 16, 2015
Kagabi pa sinuspende ang mga klase ngayong araw, pero dahil naka-schedule ang Christmas Party nina Zillion, pumunta kami sa school pasado alas-otso. Sa kasamaang-palad, postponed pala ito. Sayang ang bihis ni Zillion. Nag-stay na lang kami doon ng ilang oras, hanggang sunduin siya ni Emily. Naiwan ako dahil hinihintay ko ang agent ng Mc Do para makapagpadagdag ako ng order.
Wala namang dumating na ahente kaya umuwi na lang ako. Ngayon kasi ang trip ni Emily pa-Aklan. Mga ala-una ng hapon, umalis siya. Umiyak si Ion, ilang minuto ang lumipas. Mabuti napatulog ko siya. Ako naman ay umidlip. Pagkatapos ay nakipag-chat ako kay Loring. Dahil doon, andami kong writing ideas. Naisulat ko agad ang dalawa.
Na-delay naman ang trip ni Emily. Alas-otso pa raw ang flight niya. Okay lang. Akala ko, araw ang delay. Oras lang pala.
Disyembre 17, 2015
Nainis ako kanina pagdating namin ni Zillion sa school. Para kasing walang Christmas Party na magaganap. Wala man lang decoration ang stage.
Ako na ang nag-initiate na mag-letter cutting.
Isa pang nakakainis, alas-onse na kami nakaalis sa school papunta sa Martin's Cuisine. Wala amn lang programa bago pumunta roon. Haru Diyos ko! Anong klaseng party iyon?! Kaluoy. Pagdating naman doon sa Martin's, nagkainan lang. Pagbalik sa school, nagbigaya lang ng dividend sa coop at nag-exchange gift. Wala man lang palaro. Boring talaga. mabuti pa si Zillion, na-enjoy na ang moment kahit hindi siya kasama sa faculty. Andami niya kasing cash gifts na natanggap. Bale P770 lahat. Mabuti pa ang bata. Sobrang saya niya.
Nag-claim muna kaming GPTA Officers sa Pasay City complex ng aming grocery package na bigay doon sa GPTA Christmas party, bago kami umuwi. Hindi na ako nakipagkantahan sa mga co-teachers kong lalaki. Wala ako sa mood. Antok at masakit na ang ulo ko.
Umidlip ako, kasabay ni Zillion pagkatapos magkape. Ang sarap matulog. Kundi lang ako kailangang maghanda at magligpit para naman bukas at para sa pag-alis namin sa Sabado patungong Aklan, ay matutulog na akong magdamag.
Disyembre 18, 2015
Pasado alas-siyete ay nasa school na kami ni Zillion. Mas maaga pa sa amin ang ilang estudyante ko. At since, nasabi kong 7 o'clock kami mag-start, nagsimula talaga ako ng 7 o'clock. Kaya naman, maaga rin kaming natapos.
Masaya naman ako sa kinalabasan ng party namin dahil napasaya ko ang mga bata. Napasaya rin nila ako. Mabiyaaan din kami ni Zillion ng ilang magulang. Ang lola ni Jet at binigyan kami ni Zillion ng tig-5 daa piso. Wow! Nakakatuwa. May dalawang pupils din V-Mercury ang nagregalo.
Pagkatapos ng party, sa hideout naman kami, Nagpalitan kami ng regalo at nagkainan. Sobrang saya. Hanggang alas-7 kami doon. Kailangang mag-empake pa para sa biyahe namin bukas ni Zillion patungong Aklan.
Pasado alas-siyete ay nakasakay na kami ni Zillion sa bus na patungo sa Batangas Port. Medyo masama ang panahon pero hindi naman nagbabadya ng bagyo. Tiwala akong magiging ligtas ang aming biyahe. Ang problema, hindi kami sa 2Go nakasakay. Hindi ko na mahihintay pa na magbukas iyon kaya sumakay na ako sa MonteNegro Shipping Lines na patungong Calapan. Mag-iilang sakay ba kami pero okay lang.
Nang nasa van na kami patungong Roxas Port, napagtanto ko na malaki pala talaga ang pinsala na dulot ng bagyong Nona. Grabe! Nakakaawa ang mga kabayahan at kabuhayan nila.
Nainis din ako sa bagal at sikip namin sa van. Ang hirap! Gusto ko nang magsisi kung bakit di kami nag-eroplano.
Alas-nuwebe na kami nakaalis sa Roxas Port. Ayos lang dahil at least nakakain na kami. Nagutuman kasi kami kaninang tanghali. Walang pagkain sa barko. Diretso biyahe pa ang van.
Alam na ni Emily na parating kami. Nabasa niya ang post ko. Akala ko pa naman ay magugulat ko sila. Hehe
Disyembre 20, 2015
Nasa Caticlan na kami bandang alas-dos ng madaling-araw. Nakasakay agad kami ng bus patungong Iloilo. Apat na oras ang biyahe papuntang Altavas kaya maliwanag na nang kami ay nakarating sa bahay ng mga biyenan ko.
Umidlip agad ako. Si Zillion ay nakipaglaro. Alas-nuwebe yata iyon nang mabunggo naman si Tatay ng motorsiklo kaya inasikaso pa ni Emily ang pagpapablotter at pagdala sa hospital. Mabuti na lang at hindi naman napurohan. Nagpa-CT Scan pero negative naman. Hay! Nataranta tuloy ang lahat.
Nagpahinga ako maghapon. Nagsulat din ako at nag-update sa Wattpad. Gusto kong magawa ito ngayong holidays.
Disyembre 21, 2015
Ikalawang araw namin ni Ion sa Altavas. Medyo nakapag-adjust na ako sa pagtulog. In fact, pagkatapos kong maligo ay nakaidlip ako. Nakatulugan ko ang pakikipag-chat kay Loring.
Masarap din ang kain ko. Naging magana ako lalo na't may gulay.
Umidlip pa kami bandang hapon. Dadalaw sana kami pagkagising sa kamag-anak ni Emily, kaya lang dumating ang pinsan niya. Hindi na kami natuloy.
Disyembre 22, 2015
Nagkasakit na naman si Zillion. Grabe ang hapo niya. Sumuka pa. Inakala naman nina Emily na nabati siya ng mga lamang-lupa kaya pinatawag nila ang manggagamot. Nakita ko kung paano ito nag-orasyon gamit ang luya.
Nakakatawa na nakakatakot. Pati si Emily ay nagpadasal din dahil sumakit na naman ang ulo.
Ang findings ng quack doctor, nabati nga silang dalawa. Sabi ko nga, dapat ako ang nabati dahil ako ang dayuhan. Sanay na raw ako sa gubat. Taga-bundok daw kasi ako.
Maghapong nagpaalaga si Zillion. Nahihirapan kaming lahat. Hindi rin kasi gumaling sa panggagamot ng albularyo. Ipinahilot pa siya. Lalo lang siyang umingit nang umingit. Hindi ko tuloy magawang kalimutan ang Pasko namin noon sa hospital dahil nagkasakit siya. Nasabi ko nga kay Emily na lagi na lang kaming ganito tuwing December. Imbes na masaya, nalulungkot dahil sa problema. Nagkakataon lang daw.
Disyembre 23, 2015
Dinala ni Emily si Zillion sa Health Center para pausukan. Pagdating nila, makulit na agad ang anak namin. Natuwa ako kahit namayat na naman siya. At least, nakakatawa na siya. Makakatulog na kaming tatlo nang mahimbing.
Nakapagsulat ako ng magagandang akda ngayong araw. Palibhasa, naging maayos na ang kalagayan ni Ion. Hindi na siya ganun kaalagain.
Disyembre 24, 2015
Maaga pa lang ay nakaready na ako para sa pagpunta namin sa Kalibo. Doon kami magpa-Pasko.
Pagkatapos mananghalian, umalis na kaming mag-anak. Isang oras, mahigit, din ang biyahe. Malayo. Apat na sakay kami mula sa bahay hanggang sa bahay ni Inday Divo--- pinsan ni Emily.
Diasppointed ako kasi wala akong nakita sa daan na puwedeng pagpasyalan.
Tumuloy muna kami sa bahay ng tiyo ni Emily. Pinameryenda kami. Doon na rin kami naabutan ni Inday Divo.
Namamgha ako sa laki ng bahay nila. Hindi pa man yari ay nakikita na agad ang ganda nito. Nakakainspire. Iba talaga ang nagagawa ng pera at trabaho. Nakakapundar.
Gabi. Na-meet ko ang pinsan ni Emily na si Inday Merose at ang pamilya niya.
Alas-otso, nagsimba kaming lahat sa may kampo. Noon ko lang nalaman na may simba pala sa ganoong oras at lugar.
Hindi naman ako pumasok. Nakipag-chat lang ako kay Loring at nag-edit ng dalawa niyang tula. Nakasulat din ako ng tula na dedicated sa kanya.
Alas-onse yata kami natulog. Hindi naman pala sila nagno-Noche Buena. Okay lang naman. Hindi naman talaga alo sanay sa ganoon. Siguradong hindi naman ako mag-eenjoy. Ma-o-OP lang ako.
Hindi ko na nga narunig ang putukan sa paligid. Parang eala namang sumalubong sa Pasko. Pero nahising ako bandang alas-dos ng madaling araw. Nakachat ko pa si Lorna. Nakapagpalitan pa kami ng kuro-kuro tungkol kay Hesus at Islam. Medyo nagkaroon ng pagtatalo ang diwa ko. Gayunpaman, mananatiling anak ng Diyos si Hesus, para sa akin. Kung anuman ang katotohanan, hindi ko na iyon pakikialaman. Ang mahalaga ay may isa akong paniniwala.
Disyembre 25, 2015
Napuyat ako kanina dahil sa lamok. Hindi agad ako nakatulog kahit pinatay ko na ang wifi at itinigil ko na ang pakikipag-chat. Siguro ay namahay na naman ako. Idagdag pa ang ingay dahil sa paghahanda nila para sa aming salusalo.
Pasado alas-10 ay bihis na kaming lahat. Ipinakilala na ako ni Emily sa kanyang mga pinsan at mga tiyahin. Grabe ang hiya ko. Hindi ako mapakali. Para akong binabanlian mg mainit na tubig. Antagal pa mandin ng kainan.
Kahit nang matapos na ang salusalo, hindi pa rin nawala ang hiya at pagkailang ko. Para akong daga na nakapasok sa kulungan ng mg leon.
Pinapakanta ako ni Emily pero hindi ko pinagbigyan kahit gustong-gusto kong magvideoke. Pinaiiniom din ako. Kung hindi nga lang ako napilit ng pamangkin ni Emily na uminom ng osmag bote ng pilsen ay hindi talaga ako iinom.
Napaharap ako sa mga nag-iinuman ng ilang minuto bago kami nagpaalam.
Mamamasyal sana kami sa Kalibo Mangrove kaya lang sarado raw ngayong Pasko. Kaya naman, sa Kalibo Cathedal at plaza na lang kami pumunta. Saglit lang kami doon. Kumuha lang ng mga larawan. Umuwi na kami agad.
Masaya naman ng Pasko ko. Kahit paano ay naiharap ako ni Emily sa kanyang mga kamag-anak. Naipakita niyang hindi ko siya iniwan at inabandona gaya ng inaakala nila.
Disyembre 26, 2015
Maaga kaming bumangon para makapagpa-reserve kami ng ticket sa RORO bus. Gusto ko sana sa 2Go kami makasakay, kaya lang January 6 na lang ang bakante. Enero 4 na ang resume ng klase. Hindi ako pwedeng umabsent.
Sa Dimple Star uli kami nakakuha mg January 2 na biyahe. Ordinary na lang. Nakakadala ang unang biyahe namin ni Ion kaya malamang ganun na naman ang maranasan namin. Wala nga lang akong magagawa. No choice, 'ika nga.
Alas-singko ng hapon, namasyal kami sa plaza. Hindi pa kami nakakauwi ay humilab ang tiyan ko. Nararanasan ko naman iyon dati pa kaya hindi ko inisip na nabati ako. Iniisip ko na lang na ito ay dahil uminom ako ng vitamin bago kami umalis at kumain ako ng balut sa parke.
Pag-uwi naman, alas-6 'yun, nahiga ako. Nawala naman. Nang bumaba ako, bumalik ang sakit. Kaya lang, inisip nila na mabati ako. Pinatawag nila ang mangluluya, na gumamot kina Emily at Zillion nung December 20.
Kahit ayaw ko, nagawa pa rin sa akin ang ritwal. Hindi ako naniniwala sa faith healer pero nang matapos ang mga pagdasal niya gamit ang luya, guminhawa ang pakiramdam ko.
Whatever!
Disyembre 27, 2015
Nagising na naman si Emily na masama ang pakiramdam. Hinilot ko pa siya bago nakaramdam ng kaunting ginhawa. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa health niya.
Dapat pupunta kami ngayon sa bahay ng pinsan niyang si Ate Merose, pero dahil sa kondisyon niya, sinabi kong huwag na lang kaming pumunta. Ayaw ko rin kasi talaga. Parang hindi ko feel. Nao-OP lang ako.
Disyembre 28, 2015
Since maigi naman ang pakiramdam ni Emily, niyaya ko siyang pumunta sa Bakhawan Eco Park, sa Kalibo. Pumayag naman agad siya. Kaya mga pasado alas-10 ng umaga ay umalis na kaming tatlo sa bahay. Alas-dose na yata kami nakarating sa Kalibo Mangrove.
Ang suwerte namin dahil nakapulot kami ng P500 sa Mc Do. Halos nalibre ang pagkain at pamasahe namin.
Namangha ako sa ganda ng mangrove forest resort. Hindi ko inakalang may mga amenities doon na nakakaakit ng turista. Very picturesque ang lahat ng anggulo.
Ang labis na nagustuhan ko ay ang beach part. Sa dulo pala ng mga daang-kahoy ay ang nakatagong paraiso. Sulit ang paglakad namin ng isang kilometro. Ang sarap ng hangin doon. Nakakarelax at nakakawala ng problema. Ang sarap sa health. Hindi ko ikakahiya sakaling irekomenda ko sa mga hideouters.
Enjoy na enjoy nga kasi si Zillion. Gusto pa niyang maligo sa dagat. Hindi naman kasi namin alam ni Emily na may beach doon.
Pasado alas-5 ay nakauwi na kami. Pagod ma pagod ngunit masayang-masaya. Sulit na sulit ang aking gastos.
Disyembre 29, 2015
Namiss ko ang Bakhawan Eco Park. Gusto ko uling mamasyal doon. Kung malapit lang sana...
Naglakad-lakad na lang kami ni Ion, bandang alas-otso y medya. Wala akong nakitang magandang photo object. Magaganda naman ang mga kabahayan pero parang may hinahanap ako.
Na-boring ako maghapon, lalo na't mahina ang signal ng internet ko. Nakakatamad din magsulat. Bihira pumasok ang ideya sa utak ko.
Kain. Pahinga. Kain. Pahinga nga lang akong ginawa ko.
Bukas ay dadalo kami sa kasal ng kaibigan ng pamilya ng Fontejon. Another experience na naman ito para sa amin ni Zillion. Makakadagdag sa mga pictures na ia-upload ko.
Disyembre 30, 2015
Maaga akong namulat dahil kay Zillion. Nanghingi siya ng pagkain sa Mama niya. Nagutom agad. Hindi na rin ako nakatulog uli.
Past 10, nasa simbahan na kami ni Emily para dumalo sa kasal. Hindi sumama si Ion. Wala tuloy kaming tagakuha ng picture.
Okay naman ang kasalan. Masasarap ang ulam. Mablis lang ang mga pangyayari. Pagkakain ay umuwi na kami. Itinulog ko na lang ang pagkauya ko sa mga ulam.
Hapon. Natulungan ko si Lorna na i-edit ang akda niya. Pangarap din niyang i-publish ang kanyang autobiography.
Disyembre 31, 2015
Ito na ang huling araw ng makulay at masayang taon ng 2015. Ang bilis ng mga araw! Parang kailan lang...
Nag-stay lang ako sa kuwarto halos buong araw. Nag-edit ako ng "Tinta" at nag-upadate ng "Hijo". Nakakainis lang dahil ang hina ng signal ng internet. Hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin.
Interesado akong sumali sa WWBY One-Shot Story Writing Contest. Pag-uwi ko sa Pasay ay maisesend ko na sa email ang entry ko, na isusulat ko pa lang.
No comments:
Post a Comment