Jose,
Nang iniwan mo ako, hindi ka naging kawalan sa buhay ko. Matinong babae ang tinalikuran mo.
Hindi man natuloy ang kasal natin, nangako ka naman sa Panginoon na itataguyod ako. Kaya malaking kaparusahan ang tatanggapin mo mula sa Kanya.
Pera lang ang naging batayan mo sa pagsuporta. Ang pera ay madaling makamtan. Nagkaroon man ako ng matinding kahihiyan ngunit hamon naman ito sa aking katatagan upang maging maayos ang buhay ko, sa ngalan ng butihing Ama.
Ngayon, masaya akong nawala ka na sa buhay ko. Hindi pala ikaw ang nakalaan para makasama ko sa buhay. Hindi pa nga natin kilala ang isa't isa.
Lahat ng angkan mo na humamak at umusig sa pagkatao ko. Ang Ama ang hahatol sa inyo.
Salamat sa maikling panahong pinagsamahan natin. Naging mabuti ka pa rin naman sa aming mag-iina. Salamat sa pagmamahal sa amin ng mga anak ko. Lahat ng tinulong mo at tatanawin ko itong utang na loob.
Patawad kung may nagawa man akong mali. Sana patawarin mo rin ang lahatng nagawa ko, kung nabalitaan mo man.
Ngayon, kahit hirap man ako sa salapi, panatag ang isip ko ma walang manggulo at hahamak sa pagkatao ko. Masaya na ako ngayon sa buhay ko, kahit wala akong karamay sa pighati. Lahat ng paghihirap ko ay itinataas ko sa dakilang Ama na siyang lumikha ng bagay. Pinatawad na rin kita.
Juana,
No comments:
Post a Comment