Followers

Tuesday, December 1, 2015

BlurRed: Hanggang Kailan

"Happy 1st Monthsary, Red! I love you, forever."

Iyan ang text message na gumising sa akin. Ang aga niyang bumati. Inunahan ako.

"Happy Monthsary, Riz. I love you very much!" 

Message sent. Mabuti na lang hindi pa expired ang load ko. Na-reply-an ko pa siya.

Hinintay ko pa siyang mag-reply pero after 10 minutes, wala na akong natanggap na sagot niya. Natulog uli ako dahil wala namang pasok.

Isang masuyong haplos sa aking pisngi ang gumising sa akin. Pagdilat ko, ang magandang mukha ni Riz ang nakita ko. Napakatamis ng ngiti niya. Walang ano-ano, ginawaran niya ako ng isang halik sa noo. Sunod ay idinikit niya ang kanyang ilong sa aking ilong, bago niya idinampi ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Mabilis lang iyon pero mainit.

"Happy monthsary!"

Bumangon na ako para batiin at yakapin siya.

"Sinorpresa mo ako! Pasensiya na, magulo ang kuwarto ko. Tara sa labas tayo." Tumalikod ako sa kanya. "Sakay na!" Natawa siya pero sumakay pa rin. Dinala ko siya sa sala.

"Happy monthsary, sa inyong dalawa! Congratulations!" chorus na bati nina Mommy at Daddy. Nasa dining table sila.

"Halika na kayo dito." yaya ni Mommy. "Nagdala nga pala si Riz ng cake. Kami naman ng Daddy mo, nagluto ng pansit."

"Ikaw, Riz ha, kinuntsaba mo naman sina Mommy." tudyo ko sa gf ko pero nakangiti ako na tila kinikilig. Ang sweet kaya..

"Siyempre... basta sa ikakaligaya mo, gagawin ko ang lahat." pabulong niyang sagot habang hawak-kamay kaming lumalapit sa dining area.

Nagkatinginan kami nang malagkit. Ang sarap niyang halikan at yakapin. Ang sarap niyang magmahal. Grabe siyang magpakilig.

Pagkatapos ng masayang pag-aalmusal namin, hinayaan kami nina Mommy at Daddy na mag-bonding kami sa kuwarto. (Nakabukas ang pinto niyon.)

"Wala na akong mahihiling pa, Red..." ani Riz. Nasa paanan ko siya. Nasa paanan niya ako. Magkasalubong ang aming mata. "May mga magulang akong mababit at responsable. Nakakapag-aral ako... Kasama pa kita."

"Pareho tayo, Riz..." Kinuha ko ang kamay niya. "Lagi akong nasa tabi mo..." Pinisil ko ito, tanda ng aking pangako.

Tumahimik si Riz. Tumingala sa kisame. "Hanggang kailan, Red?"

Natigilan ako. Hanggang kailan nga ba?

Naghihintay ang mga mata ni Riz.

"Riz... kasama mo ako hanggang... hanggang tumitibok ang puso ko."

Tumitig sa akin si Riz. Nanuot iyon sa kaibuturan ko. Tumagos pa hanggang sa puso ko. Pakiramdam ko, kumislot ito. Hindi ba ako nagsasabi ng totoo?

Mahal na mahal ko siya. Alam iyon ng Diyos...







No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...