Followers

Wednesday, December 2, 2015

Uri ng Mangingisda

May iba't ibang uri ang mangingisda. Parang ang trabahador, may iba't ibang uri rin.
May mangingisda na para lang may maiulam at maihain sa pamilya. Sila ang 'isang kahig, isang tuka'. At kapag may sumobra, saka lamang niya ibebenta. Masaya na sila kapag nakakabenta ng isda at nakakabili ng bigas. Anuman ang gawin nilang pagpupunyagi, hindi sila umaangat sa kanilang kinatatayuan.
May mga mangingisda namang nakikipamalakaya. May amo sila. Malaking bangka ang gamit nila sa pagpapalaot. Ang one-third ng kita ay ang kanilang paghahatian. Ang two-thirds ay mapupunta sa may-ari ng bangkang de-motor.  Ang mga mangingisda rito ay hindi rin yumayaman. Business is business, 'ika nga. At tulad sa kompanya, may lider rin ang grupo ng mga mangingisda sa isang malaking bangka. Kung napanuod na ninyo ang pelikulang 'Muro-Ami', siya si Cesar Montano. 
Meron ding amo o may-ari ng bangka na kumukuha lang ng mga tauhan para sama-sama silang mangingisda. Mas malaki ang hatian dito. Sabay silang gumiginhawa. 
Anumang uri tayo ng mangingisda o trabahador, lagi nating iisipin na ang karagatan at buhay ay hiram lang natin sa Panginoon. Huwag natin itong pagsamantalahan, gayundin ang mga mangingisda. 





No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...