Followers

Sunday, June 29, 2014

Honey-Bee: MUKHANG-KAMAY

HONEY: Ano ba yan, Bee?! Forty-six years ka na dyan sa salamin, ah! Manonood lang tayo ng sine. Tinalo mo pa ako..
BEE: E, first time natin 'to, e. Sige na nga, let's go! Pero, teka, how do I look?
HONEY: Cute!
BEE: CUte? Cute lang? Ayoko pa. Mananalamin uli ako.
HONEY: Hay! O, sige..pogi ka na. Let's go na, please..
BEE: Pogi? Ayoko. Mananalamin uli ako.
HONEY: Ano ba talaga? O, sige.. guwapo ka na. tara let's na. Magla- last-full show na, e..
BEE: Guwapo lang? Never! Mananalamin uli ako..
HONEY: Haay! Ayoko na! Hindi na tayo magsisine..
BEE: Teka, teka! Sayang naman nitong..
HONEY: Ikaw kasi..andami mong arte. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin ko dyan sa looks mo? Ayaw mo ng cute. Ayaw mo ng pogi. Ayaw mo ng guwapo. Nakakainis! o, sige..magandang lalaki!
BEE: Mas lalaong ayoko..
HONEY: Bakit ba? Anong gusto mo?
BEE: Kasi ang cute, kapatid ng pangit. Ang pogi, pang-aso. Ang guwapo, pang-ngungo. Ang mgandang lalaki, pang-bading. Ang gusto ko.. handsome!
HONEY: Ew! May punto ka! Mukha ka kasing kamay, e!
BEE: Ngeek!

Honey-Bee: ALLERGY

HONEY: Hi, Bee! Uy, uy, ano 'yan?  Ba't mo pa tinatago?
BEE: A..e..wala. Men's magazine..
HONEY: Men's magazine lang pala, e.. Bakit kailangan mo pang itago sa akin?
BEE: E, baka kasi masagwaan ka..
HONEY: Sus! Open-minded ako, no! Patingin naman..
BEE: Ayoko! panlalaki lang 'to! Mababasa mo ang mga secrets naming mga lalaki..
HONEY: Ganun ba 'yun? O, sige, patingin lang ng cover.. Wow! Si Marian Rivera! Alam mo bang frustration kong maging..
BEE: (Laughs) Dyusme! Please lang, Honey..
HONEY: Hoy, Bee! Sexy ako, no! loook. Look at me..
BEE: No need. baka makita ko lang ang mga bakukang mo..
HONEY: Anong bakukang?
BEE: Bakukang. Peklat!
HONEY: Hindi peklat 'yan, no!
BEE: E, ano pala? Barya?!
HONEY: Kinagat lang ng lamok 'yan..
BEE: Allergy? Parang ganun?
HONEY: Sort of!
BEE: Pa-allergy-allergy ka pa.. Bakukang yan!
HONEY: Tse!

Saturday, June 28, 2014

My Wattpad Pamangkin 36

Lumipas ang mga araw, wala na akong natanggap na private message mula kay Angela. Hindi pa rin niya marahil natatanggap ang apology ko. Kahit kay Zillion ay hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Sa tingin ko, ginagawa ang lahat ng anak ko na mapatawad niya kami. 

Isang Sabado, pareho kaming walang klase ni Zillion. Niyaya ko siya at ni Maila na mag-out-of-town. Somewhere in Bulacan naman ang destinasyon namin. Road trip lang. Walang patutunguhan. 

Tuwang-tuwang si Zillion dahil alam niyang dadaan kami kina Angela. Oo, iyon talaga ang plano ko. 

Alas-diyes ay narating namin ang bahay ng mga Guttierez. Si Mr. Guttierez ang lumabas ng bahay para kausapin kami. 

Nasa bahay lang ng kaklase. May ginawang group project. Tuloy kayo. Hintayin niyo na lang sa loob.

Tumuloy kami. Sa nipa hut, sa garden niya kami pinaghintay, habang ipinahanda naman niya ang dala naming meryenda para sa lahat.

Na-appreciate ko ang lugar nina Gelay. Best place para sa pagsusulat. Nakaka-relax. I'm sure, dito si Gelay gumagawa ng kanyang story. Cool!

Nang bumalik si Mr. Guttierez, kasama na niya ang Mommy ni Gelay. Kamukha siya ni Gelay. Pareho silang maganda.

Binati namin siya. Pagkatapos, nagmeryenda kami, kasama ang mag-asawa. Sunod, nagkuwentuhan kami. Napagkuwentuhan namin ang writing career ni Gelay.

Hindi nga po namin akalain na magiging writer 'yang si Gelay.. sabi ni Mrs. Guttierez.

Nagulat na lang kami, one night, umiiyak. Di naman nagsasabi kung anong problema. Hanggang sa mapilit ni Misis na magtapat, kuwento ng Daddy ni Gelay. Gusto daw niyang makapag-publish ng libro. 

Nagkatinginan kami ni Zillion. Hindi pala alam ng mga magulang ni Gelay na tungkol sa break-up ang kanyang iniiyak. Although isa ring factor ang pagsusulat, mas matimbag ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Tinulungan namin siyang makapagsulat. Bumalik kami dito sa Bulacan para makapag-concentrate siya. Dagdag pa ni Mr. Guttierez.

Ang ganda nga ng lugar ninyo.. Perfect for a novice writer. Nakatulong siguro ito ng husto para maging mas madaling makasulat si Gelay, sabi ko naman.

Marami pa kaming napagkuwentuhan tungkol kay Gelay, kasama kung paano naman siya nagsumikap na makilala sa Wattpad world. 

Ayan na pala si Gelay! deklara ni Mrs. Guttierez. 

Nakita kong umabot sa tainga ang ngiti ni Zillion, lalo na nang batiin siya ni Gelay. Binati din niya kami. Kami pa nga ang inuna niyang i-greet. Napaka-sweet pa rin niya.

Hello, Gelay! Kumusta? banat ni Zillion.

Hello, Mabuti naman ako. Busy pa rin. Kaw?

Mabuti rin..

Dad, Mom.. Hinarap naman niya ang mga magulang.. umuwi lang po ako para makita sina Tito. Hindi pa po kami tapos sa project. 

Ah, ganun ba? O, siya, magmeryenda ka muna. Nagdala si Zillion.. ani ng Daddy niya.

Nakita ko namang nahapis ang mukha ni Zillion. Akala ko rin ay makakasama namin ng matagal si Gelay bago kami bumalik sa Manila. 

Hindi nga nagtagal si Gelay. Nagpaalam uli siya. Sorry po, Tito, Tita at Zillion.. I have to go. Hindi siya masyadong tumingin sa aming dalawa ni Zillion. Ramdam ko ang pagtatampo niya. Hindi na rin siya lumingon para tingnan pa uli kami.


Pagkaalis niya, nagkuwentuhan pa kami ng ilang minuto at nagpaalam na kami.  Bigo man, pero masaya na rin dahil napasaya ko kahit paano si Zillion. 

Thursday, June 26, 2014

Honey-Bee: BILLBOARD

BEE: Hon, can you see that biilboard?
HONEY: Oo naman! Sa laki ba naman nyan, di ko pa makita.. Bakit?
BEE: Dyan umakyat ang isang lalaki noong isang araw upang mag-suicide.
HONEY: Dyan pala yun?!
BEE: Oo! At dyan din ako aakyat, pag...
HONEY: Hay, naku! Ngayon na..para makita ko, live..
BEE: I'm kidding, pero ito.. sabi sa news..nagiging instrument daw ng mga taong may suicidal tendency ang mga billboards. At sabi pa, isinisisi nila ang dumaraming bilang ng suicide attempt sa biillboard..
HONEY: Papansin lang ang mga iyan! Gusto lang ma-TV.
BEE: Hindi, ah! Talagang problema ang dahilan... sa pag-ibig. Sa pamilya. Lalo na sa pagbuhay o kahirapan.
HONEY: So, anong dapat gawin ng gobyerno? Gawing pantay-pantay ang yaman ng mga tao para walang mahirap?
BEE: Imposible naman 'yan! Syempre, hindi.
HONEY: E, ano pala?
BEE: Ang solusyon dyan..wag na magtayo ng mga billboard..
HONEY: Corny mo! Mag-suicide ka na rin kaya!

Honey-Bee: GUINESS' BOOK OF WORLD RECORDS

BEE: Hon, nakita mo na ba abg actual na librong "Guiness' Book of World Records"?
HONEY: Hindi pa. Bakit? Hahanapin mo dun ang mukha't pangalan mo as the "Most Kuripot Person in the World"?
BEE:  Hindi, ah! Saka hindi naman ako ang pinakakuripot, no!
HONEY: E, ano pala?
BEE: Aalamin ko ag pinakabilbiling babae sa mundo. Baka ikaw 'yun! (Laughs)
HONEY: Nakakainis ka! Gumaganti..
BEE: Seriously, gusto ko talagang makita ang actual book kasi curious lang ako..
HONEY: Ako nga rin, e. Ano kaya ang hitsura niya? Siguro ang kapal ng libreng yun..
BEE: Oo nga.. (Thinks) I wonder pa.. sino kaya ang author nun? Si Guiness kaya?
HONEY: Pwede..
BEE: Pwede.. (Thinks again) Alam mo? Gusto ko ring gumawa ng librong gaya ng Guiness'..
HONEY: (Laughs) hindi pwedeng kopyahin, no! Pwede ka lang mag-contribute ng record.
BEE: Bakit? Sinabi ko bang Guiness' din ang title ng libro ko? Syempre, iibahin ko, although pareho ang concept.
HONEY: E, ano pala ang title mo?
BEE: Pwedeng "Bee's Book of World Records''.
HONEY: Yuck! Pangit. Magiging least-selling 'yang libro mo, for sure.
BEE: Hmp! Isasama kita sa libro ko. Promise ko yan. .kasi, desidido na akong tituluhan ang libro ng.. "Kakainis' Book of World Records". Nakakainis ka, e!
HONEY: Nye! Kaiinis ka rin!

Baha

Kumidlat, kumulog..
Ano ang sumunod?
Oo, ulan!
Bumuhos ang ulan.
Sunod, baha naman.

Maitim, mabaho..
Amoy burak lang naman
Kadiri.. Nakakadiri!
Pero, sa mga  iilan
Ito'y kaligayahan.

Ngunit sa karamihan
Perwisyo, sagabal..
Sakit ang dulot niyan.
Sabagay, gawa natin 'yan
Kaya ating pagdamutan.

Wednesday, June 25, 2014

My Wattpad Pamangkin 35

Vacant period ko. Ngayon ko lang mabubuksan ang laptop ko. Nang nag-sign in ako sa Facebook, in-open ko kaagad ng timeline ni Zillion. Kaya, nakita ko ang activities niya kagabi. Nag-post siya ng picture nila ni Gelay. Tapos, nilagyan niya ng quote na: "What greater thing is there for two human souls that to feel that they are joined... to strengthen each other... to be at one with each other in silent unspeakable memories. ---George Eliot"

Ang sweet..

Tama siya. Tumpak ang quotation na nilagay niya. Natutuwa ako dahil sinunod niya ang binigay kong tip sa kanya. Pasasan ba't magiging silang muli ni Gelay.

Nakakalungkot lang dahil hanggang ngayon ay walang comment mula kay Angela. Mabuti pa ang mga friends nila ay nagkomento na.

Tiyempo! Naka-online si Angela sa Wattpad. Twenty minutes pa ang natitira sa vacant time ko kaya nag-try akong makipagchat sa kanya. I said, Hello, my Wattpad pamankin! How are you now? Anong balita sa'yo?

Inabangan ko ang reply niya. Nakita ko na she is writing.. Natuwa ako. At least, makikipagchat siya sa akin.

Tapos, nawala siya. Dinelete niya ang tinype niya..

After two minutes, nagsusulat uli siya ng message.. Then, a notification followed. She replied: I'm fine, tito! Publishing of my book is on going.

That's great! sabi ko

Nagta-type ako nang mag-flash ang isa pa niyang message. Gusto ko sanang sabihin na iniimbitahan ko siya sa isang lunch date sa Sunday. 

Heto naman ang message niya: Tito, totoo po bang kayo ang nagsabi kay Zillion na magbreak kami?

Inaasahan ko na ito kaya hindi na ako nagulat. Hindi ko na rin itinanggi. Oo, Gelay. Sinabi ko nga yun. Sorry, but I just have to do it para pareho kayong makapagsulat. And, it works.. 

Offline na si Gelay. Hindi na siya nakapag-reply.. I'm sure, nagtatampo siya sa akin. It's okay. Kasalanan ko naman. Kaya nga itinatama ko ang mali ko. 

Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya kahit di siya sumagot. Sabi ko: Humihingi ako ng tawad sa'yo, Angela. Alam ni Zillion kung ano ang purpose ko kung bakit ko ginawa iyon. Nasaktan ko kaya pero di maganda naman ang epekto nito sa inyong dalawa? Nakapag-publish si Zillion ng libro. Ikaw naman ay malapit na rin. So, sana.. mapatawad mo ako. Hindi kasalanan ng anak ko. Ako na ng humihingi ng  tawad. Kung hindi mo na ako maituturing na tito, tatanggapin ko. Basta, pakisamahan mo uli si Zillion, gaya ng dati. Mahal na mahal ka niya. Sobra siyang nasaktan nang nakipagbreak siya sa'yo. Pero, dahil he respected me and my will, ginawa niya, against your will. Sorry again.. my Wattpad pamangkin. I'm looking forward na makadalaw ka uli sa aming tahanan. God bless you.


Umaasa akong mapapatawad niya ako.

My Wattpad Pamangkin 34

Dahil sa nangyari sa relasyon nina Zillion at Gelay, may natutunan ako. Kailangan kong itama ang pagkakamali ko. Kailangang maibalik ko ang dating sigla ng anak ko. Si Gelay lang naman ang nagpapasaya sa kanya kaya dapat ay magkabalikan sila. 

Pinayagan ko na siyang magpahinga sa pagsusulat kung gusto niya. I indirectly told him that he is free to visit his Facebook, Tumbler, Instagram and Twitter. Natuwa naman siya. Nangako din siyang hindi niya pababayaang mag-update sa kanyang Wattpad, at least one chapter a day, daw.

Ok, anak! Basta ang mahalaga, ma-beat natin ang deadline. Kailangan nating maipublish ang Book 2 ng Red Diary mo.

Yes, Dad! No probs. Then, agad na niyang binuksan ang kanyang laptop at nag-sign in sa FB.

Iniwan ko siyang mag-isa upang si Maila naman ang makausap ko. Sobrang busy ako maghapon kaya di ko siya natawagan at nakausap. Ugali ko kasi na tumawag sa kanya everyday or before lunch. Hindi ako mapakali kapag di ko siya makausap at di ko maitanong kung kumain na siya.

Sorry, Mai.. Apologetic ako..

It's okay, Zander. Hindi ko rin namalayan ang oras kanina. Naglinis ako sa kuwarto natin..

Hmm.. Mukhang gusto mo nang sundan si Zillion, ah.. Halika nga dito.. Kinabig ko siya palapit sa akin at kiniss ko siya sa labi.. I missed you..

I missed you, too..

Daddy! Tatlong katok ang narinig namin.

Come in, ‘nak. Si Maila ang sumagot. 

O, Zillion?! Ako

Dad, hanggang what time po ako?

Natawa ako. Masyadong naging conscious ang anak ko. Akala niya ay masyado pa rin akong mahigpit. Kahit anong oras mo gusto, nak.. Basta, maaga ang pasok natin bukas..

Okay po, Dad! Thanks! Goodnight, Mom and Dad!!


Nakakatuwa..

Tuesday, June 24, 2014

My Wattpad Pamangkin 33

Nag-usap kami ni Zillion habang naghahapunan, dalawang araw ang lumipas, pagkatapos kaming puntahan ni Gelay sa book-signing event sa MOA.

Anak, nagparamdam na ba si Angela sa'yo after natin siyang makausap?

Opo. Kanina po. Malungkot niyang sagot

Alam ko na pinagbabawalan siya ng Daddy niya na mag-online ng mag-online sa Facebook at iba pang social media. Gaya ng ginawa ko sa inyo, her dad wanted her to focus on writing sa Wattpad.

That's not true, Dad. Malungkot pa rin si Zillion. Pero, nakatingin siya sa mga mata ko.

Ha? What do you mean? I have no idea bakit niya nasabi iyon. Ang alam ko lang ay pinagbabawalan din si Gelay ng ama na makipag-relasyon kaya may oras ang kanyang pag-Facebook. 

Her Dad is, like you, very supportive to her. Pero, hindi niya po pinagbabawalan si Gelay..

How did you know?

Sa common friend po namin..

Oh, I see.. Naniwala ako sa anak ko. But, it is still unclear. So, kung hindi naman pala siya grounded.. bakit di siya nakikipag-communicate sa atin?

Masyado po siyang nasaktan sa break-up namin, Dad.. Mas lalong nalungkot si Zillion. Naalala ko tuloy kung paano ko sila pinaghiwalay.

Naalala ko ring sinabi ni Gelay sa chat namin last, last time na pakiramdam niya ay hindi pa rin handa si Zillion na makipagbalikan sa kanya. Dinepensahan ko nga ang anak ko. Sabi ko, gustong-gustong makipagbalikan ang anak ko sa kanya.

Na-guilty ako. Ako yata ang nagpagulo sa relasyon nila. Pakiramdam ko ay hindi ako nakatulong. Oo nga, naging manunulat si Gelay at nakapag-focus si Zilllion sa pagsusulat, but I have ruined their good rapport. Hindi nila maintindihan ang isa't isa. One of these days, baka masira ng lubusan ang kanilang pagkakaibagan.

Gusto mo pa ba siya? Naaawa ako sa anak ko. Gusto ko siyang tulungang ligawan si Gelay.

Hindi nakasagot si Zillion. Tiningnan niya lang ako. Do you still love her?

Yes, Dad..

Natuwa ako sa tinuran niya. Kaya, nagplano kami. May hihintayin lang kaming chance para maisagawa namin iyon. Sabi ko rin sa kanya, ipagpatuloy niya lang ang panliligaw through sending her sweet messages or quotes na ise-send niya as private message, since wala na kaming cellphone number ni Gelay, since their break-up.


Umaliwalas naman ang mukha ng binata ko. Lumabas na muli ang kapogian niya. Bumata pa.

Honey-Bee: HALIGI NG TAHANAN

HONEY: Happy Valentine's Day, Bee!
BEE: Same to you!
HONEY: Hmp! Walang tamis.. Di ka talaga sweet.. Anyway, ilang Valentine's na ba tayo together? Two or three?
BEE: Three na siguro.. Ewan! Bakit?
HONEY: Kasi naisip ko..kelan kaya ako magiging ilaw ng tahanan?
BEE: (Laughs) E, di lumulon ka ng incandescent bulb at tanglawan mo ang buong bahay n'yo!
HONEY: Ano ka ba? Manhid! Ang gusto kong sabihin..kelan mo kaya ako pakakasalan?
BEE: What?
HONEY: Pakasal! Ako, ilaw ng tahanan at ikaw, haligi ng tahanan!
BEE: Ayoko ngang maging haligi ng tahanan!
HONEY: Ang labo mo talaga..
BEE: Ang haligi kasi, pundasyon kaya dapat matibay, matatag at di umuuga..
HONEY: So?
BEE: So, magiging inutil ako.. Walang gagawin kundi tumayo sa kanto ng bahay..
HONEY: Tangengot ka talaga! Kainis!!

Monday, June 23, 2014

My Wattpad Pamangkin 32


Sobrang pagod namin ni Zillion sa maghapong book signing. Napagod din ang mga kamay niya kaya pinapahinga ko muna siya. Kinuha ko ang mga gadgets niya. Binawalan ko siyang mag-cellphone, mag-computer o magtablet. Wala muna siyang gagawin kundi ang magbasa o manuod ng TV. Bawal ding magbasa.

Sinunod naman niya ako.

Since, ako ay hindi naman napagod, ako ang nag-online. Nabasa ko ang post ni Gelay.

Sabi niya: Thanks Lord, for this wonderful blessing! Thank You, as well for giving me two nice people who made me a writer! I owe this to all of YOU!.

Alam ko, kami ni Zillion ang tinutukoy niya sa status update niya. But, I opted not to comment, because I was not tagged to it. I just hit LIKE. Then, I left a message in her Wattpad inbox.

I wrote: Congratulations, my Wattpad pamangkin! You are now a certified writer. I am also your fan. Your story is great. Exceptional. You made it very good. Kudos! Malayo pa ang mararating mo. Just pursue writing. Anyway, Zillion wants to see you again. He is resting this moment so he is not permitted to go online. God bless you! Ingat!

Thank you very much, Tito! I really miss all of you, especially Zillion. Please, give my regards to Tita Maila. I hope I can visit your house again. I love dining with you.. God bless po!

We, too.. Musta nga pala ang meeting mo with the publisher?

It's alright po, Tito. I signed a contrac., Then, they assured me that it will be published soon. Masayang-masaya po ako. Pero, I'm sad dahil.. I lost someone..

No! You didn't lost him.. He loves you still..

How did you know po, Tito? Parang hindi niya po gusto na makita ako kanina.. :(

That's not true! He was just startled seeing you.. Maniwala ka.. He's so glad nang makita ka, lalo na nang malamang malapit ng mapublish ang story mo.. Kausapin mo siya sa cellphone. Tatawag kami..

Ah, ok po, Tito.. Good bye po. Wala na po akong cellphone. Bawal po. Bye po.. My Daddy is watching over me. I have to update my Book 2. Thanks po sa time.. (:

Bye!

Now I know.. Like me, his father has restricted her to use gadgets that may ruin her concentration in writing. Sana nagkakamali lang ako na pinagbawalan din siya na makipagrelasyon habang bata pa siya at habang siya at papasikat na writer.


Nalungkot akong bigla.

Honey-Bee: MAGULANG

BEE: Alam mo, Hon? Natatakot akong maging magulang..
HONEY: Bakit naman?
BEE: E, kasi parang di ko kayang tanggapin o harapin ang mga ossible consequences nito.
HONEY: (Sad) Kung ganun pala, di tayo para sa isa't isa?
BEE: Ha? Anong..?
HONEY: Ang relasyon palang ito ay good for years lang.
BEE: Ha? What do you mean?
HONEY: Ang labo mo! Ikaw ang nagsabing ayaw mong maging magulang tapos maang-maangan ka pa.. Di ba, ayaw mong magkaroon ng responsibilidad sa magiging anak o mga anak mo?
BEE: (Laughs) Tangers! hindi pagiging parent..Ayaw kong maging magulang o mapanlamang!
HONEY: Kasi naman, e, akala ko..
BEE: Asus! gusto mo ng magkaanak, no?
HONEY: Of course not!
BEE: Denial queen.. Sige na! Let's do it now!
HONEY: Waag po! Wag po, Kuya! Wag po..
BEE: He he

Sunday, June 22, 2014

My Wattpad Pamangkin 31

Lumipas ang mga araw, hindi ko nakitaan ng kalungkutan ang anak ko. Although, hindi pa rin namin maramdaman si Gelay, alam naming nasa mabuti naman siyang kalagayan. Marahil ay abala pa rin siya sa pagsusulat.

Si Zillion ay hindi ko na rin halos masarili. Ilang araw na siyang nag-promote ng libro niya sa mga mall. Nagpa-book signing ang management niya. Nakakapagod din kahit hindi ako ang pumipirma. Pero, masaya ako ng sobra dahil nararanasan na niya ang mga nararanasan ko bilang manunulat. Ang kaibahan lang namin ay mas bata siyang nakapagsimula. Kaya, mas maraming kabataan ang nakakarelate sa kanya at mas maraming followers ang nag-patronize ng kanyang libro, lalo na't may hitsura pa ang anak ko. Instant fame ang natamo niya. Parang artista o singer.

Bawat book signing event ay may kakaibang experience. Nandiyan ang mga teenagers na nag-aaway sa pila dahil gusto nilang mauna. Mayroong gustong kumiss kay Zillion. Madalas, may nakikipagselfie at nagpapapicture. Pero, sa huli niyang event, na ginanap sa SM Mall of Asia, hindi lang kakaiba ang naganap, kundi hindi inaasahang pagdating ni Gelay.

I'm your fan. Pwede ba akong magpa-autograph? sabi ni Gelay na naka-shades kaya di namin kaagad nakilala.

Gelay?! Instinctively, niyakap siya ni Zillion. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga fans.
Tinanggal niya ang kanyang shades at nag-kiss din sa akin. Musta na po kayo, Tito?

Mabuti. Ikaw, how are you?

I'm fine po, Tito. I'm sorry kung di po tayo nagkita nang pumunta kayo sa Bulacan.

Ok lang, pamangkin. Mabuti naman at nakarating ka ngayon.

Yes po! I just dropped by..

Speechless si Zillion. Hindi pa rin siya makapaniwalang si Gelay mismo ang nasa harap niya.

O, Zillion.. pirmahan mo na ang book ni Gelay. Iniba ko ang usapan, medyo natigalan kasi siya.

Ah..oo, akin na, Gel.. Then, sinulatan niya ng note at pinirmahan niya ang book na binili. Sabi niya: "Thank you for coming! Thank you for coming into my life! Enjoy my story.. Love, Zillion"

Thank you, Zillion! I have to go. My Dad is about to fetch me.

Ha? Ah..e, sige. Thanks! Take care!

Saan ka na, Gelay? Mag-lunch muna tayo.. Ayaw ko pa siyang umalis. Gusto ko sanang makasama namin siya ng matagal para magkausap sila ng anak ko.

Di na po, Tito. Pinatawag po ako ng publisher. Kailangan ko pong makarating on time..

What?! I'm so glad to hear that. She's about to have a published story. Congrats, pamangkin! I'm so proud of you.

Congrats, Gel! You make me so happy, si Zillion. Mababa ang boses niya. Halos gustong tumulo ng mga luha niya dahil sa tuwa.

Thank you! Thanks to both of you po.. Utang ko po sa inyo ang lahat ng ito. Salamat! Bye for now.. Umalis na siya. Pero, bago tuluyang makalayo, tumingin pa uli siya sa akin at kay Zillion. Parang may gusto siyang ipahiwatig. Nakita kong lumamlam ang kanyang mga mata.

Tila bumagal at kinabagutan ni Zillion ang bawat minuto. Gusto na niyang matapos ang book signing, kaya lang hindi pa pwedeng tapusin ng wala sa itinakdang panahon. Kaya, nagtiyaga siya.

Nang matapos ang event, saka lamang kami nagkapag-usap ni Zillion. Pareho kaming naging masaya sa pagdating ni Gelay.

Ang anak ko ay muling pumintig ang puso. Ramdam ko.


Ako naman ay naging proud sa aking ginawang paghihiwalay sa kanila. Wala pala akong dapat pagsisihan sa aking action bilang ama ni Zillion at bilang Wattpad tito ni Gelay, dahil ito ay nagbunga ng tagumpay sa kanilang dalawa. Ngayong pareho na silang matagumpay na manunulat, maaari na nilang ipagpatuloy ang kanilang pinutol na relasyon.

Honey-Bee: GREEN CARDHOLDER

BEE: Hon, kung di ako ang naging syota mo, sino kaya?
HONEY: Ewan ko! Ikaw, sino rin kaya?
BEE: Syempre, marami!
HONEY: Ang yabang mo talaga!
BEE: Hindi, a. Humble lang..
HONEY: Kapal! Sige nga, sabihin mo kung bakit magiging playboy ka kung hindi tayo mag-on ngayon?
BEE: Simple! Alam ko namang super-materialistic na ang mga babae ngayon. Bilmoko! Isa ka ba sa kanila, ha?
HONEY: Of course, not!
BEE: Sana lang hindi..
HONEY: Aba?! At ano naman ang mahihita ko sa'yo, aber? Rich ka ba?
BEE: Hindi. Pero, green cardholder ako..
HONEY: Green cardholder? Aguuy! Kelan ka pa nakarating sa USA? Patawa ka.
BEE: Hindi ka naniniwala?
HONEY: Hindi!
BEE: Gusto mong makita ang green card ko?
HONEY: Hay, naku! Ipakita mo..
BEE: Heto, o..
HONEY: Empty phonecard 'to, e!!
BEE: At least, green card..
HONEY: Ang hangin dito..Grabeeeh!!

Honey-Bee: PAKAKASAL NA

HONEY: Bee, wala ka bang planong lumabas tayo sa Valentine's Day?

BEE: Hmp! Baduy! Makikisabay ka pa sa kanila..

HONEY: Anong baduy? Ang sabihin mo, wala kang ka-sweet-sweet d'yan sa katawan mo!

BEE: Aba! Mayroon naman. Mataas yata ang blood sugar ko..

HONEY: He he! Cornball!

BEE: Ba't ka sumimangot? O, iiyak ka pa.. Bakit ba?

HONEY: Hindi mo talaga ako mahal.. Niloloko mo lang ako.. (Iiyak kunwari)

BEE: Tahan na,, Hindi totoo yan. Mahal kita. Gusto mo pakasal na tayo?

HONEY: (Masaya) Ha? Talaga?

BEE: Oo!

HONEY: Bakit may ipon ka na ba?

BEE: Wala pa! Ipon mo..

HONEY: Hu hu. (Iiyak ng tuluyan)

Saturday, June 21, 2014

My Wattpad Pamangkin 30

Kinabukasan, tinupad ko ang pangako ko kay Zillion na hahanapin namin ang bahay ng aking Wattpad pamangkin na si Gelay. Pareho kaming absent sa school. Di bale na.

Maaga pa lang ay naghanda na ng almusal si Maila para raw hindi kami gutumin sa biyahe. Malayo-layo rin ang Bulacan kaya kailangan ngang mag-heavy meal. Pinabaunan pa kami ng fruit juice at egg sandwich. 

Okay naman ang traffic kaya wala pang dalawang oras ay narating na namin ang aming destinasyon sa tulong ng Google map at matiyagang pagtatanong. 

Sa asul na gate kami tinuro ng tricycle driver na napagtanungan namin. Tama naman siya. Isang maid ang nakausap namin.

Nasa school siya, Sir.. Hindi niya kami pinapasok, pero nakikita namin ang isa't isa.

Anong oras po ba ang labasan nila sa school? tanong ko. 

Alas-dos po, Sir.. Kaso, susunduin po ng Daddy niya dahil may kasalan silang dadaluhan mamaya. Sino po sila?

Ako po si Tito Zander niya. Ako po ang tinatawag niyang Wattpad tito. Kasama ko po ang anak ko si Zillion, dati niyang classmate sa Manila.

Ah.. ok po. Balik na lang po kayo.. Sasabihin ko na lang po na dumalaw kayo.

Salamat po! Tuloy na po kami..

Sige po, Sir! Ingat..

Wait, Dad.. Lumabas si Zillion mula sa kotse. Hawak ang kanyang tablet. Selfie muna tayo kasama si Ate para maipost ko sa FB at para makita ni Gelay na pumunta talaga tayo.

That's a good idea. Tara! Sama po kayo, Ate!

Click!

Tapos, umalis na kami ni Zillion. Bigo kami pero, natupad ko naman ang pangako ko kay Zillion. Hindi ko rin naman siya nakitaan ng matinding disappoinment.


On the way back home, nagpaka-busy si Zillion sa kanyang tab. Alam ko, masaya naman siya kahit paano. Anytime kasi ay pwede kaming bumisita uli kay Angela..

My Wattpad Pamangkin 29

Ang bilis ng mga araw. Dream come true para kay Zillion ang araw kung kelan inilabas ang kauna-unahang copies ng Book 1 ng Red Diary. Para ko na ring naabot ang langit sa sobrang proud ko sa aking anak. 

Si Maila ay halos maiyak pa sa sobrang tuwa. Hindi daw niya akalaing sa murang gulang ni Zillion ay magiging writer ito. 

Salamat po, Diyos ko! usal pa ni Maila.

Kumikita na ang ating anak.. I'm so overwhelmed by this success. 

Oo nga, Zander.. Dinaig pa ako.

Nag-out-of-town kami, as a reward to my son's achievement. Friday night, nasa Batangas na kami. Two nights and two days kami doon. Iniwan muna namin ang Wattpad sa bahay. Puro lang kami pag-e-enjoy at pagba-bonding.  Ginawa ko ang lahat upang mapasaya at maging inspired ang aking anak. 

Since, private ang nakuha naming resort, halos solo namin ang place. Kaya naman, hindi kami nag-aksaya ng oras para mapasaya namin ang isa't isa. Swimming. Kain. Laro sa buhanginan. Picture-picture. At iba pa. 

Sarap! Walang kasing saya kapag kasama mo ang pamilya mo. 

Magiging panata ko ang ganito tuwing makakapag-publish kami ng libro. At ipinipangako ko, sa susunod, kasama na si Gelay sa aming out-of-town. Alam kong magiging lubos ang ligaya ni Zillion kapag kasama namin siya. Hindi man niya sabihin sa akin, nararamdaman ko ang kulang sa puso niya. 

Nag-enjoy ka ba, Nak? tanong ko kay Zillion nang pauwi na kami.

I enjoyed a lot, Dad! Mabilis niyang sagot.

Congrats, uli! 

Thanks, Dad! Utang ko po ito sa inyo. Ang husay niyo pong mentor..

Thanks! But, I just inspired you. Your writing skill made it possible..

Ngumiti lang siya. Thanks din po, Mom! Dahil you are always there to understand me..

Welcome, anak!

May gusto ka bang bilhin sa pera mo, Zil? tanong ko.

Wala po, Dad! I want it to be deposited in a bank..

That's good! Sige, I'll open an account for you..

I just want one favor, Dad..

What is it, Zil?

I wanted to visit Angela. I got his home address..

Nagulat ako. hindi ko lang ipinadama. Nagulat din si Maila. Naisip kong talagang mahal niya si Gelay. Gumawa siya ng paraan upang mahanap niya ang dating kasintahan. Humanga ako sa kanya sa kabilang banda,

O, sige, anak.. Puntahan natin siya bukas..


Nag-yehey pa siya. May childish side pa rin ang anak ko..

Honey-Bee: UNIQUE

BEE: Hon, anong pangalan n'yang nephew mo?
HONEY: 'Yang si pasaway? John.
BEE: John? Hindi ba nag-isip ng ibang names ang Daddy at Mommy niya? Napaka-common. Walang uniqueness.
HONEY: 'Yun kasi ang gusto nila, kasi combination daw ng names nilang Johaan at Nelly.
BEE: Kung ako magpapangalan.. April,June,July, August, January..February..March..May ..October..November..December o September.
HONEY: Unique ba 'yun?
BEE: Oo! Kasi lagi na lag buwan ng kapanganakan ang dahilan kaya sila tiantawag na ganun.. Di ba pwede ring buwan kung kelan sila ginawa? O, di ba, unique!?
HONEY: Hay, naku! Bastos mo! Speaking of uniqueness. May cousin akong unique ang name..
BEE: Sino? What's her name?
HONEY: Her name is Unique.
BEE: Ano nga?
HONEY: Unique nga!
BEE: Ano nga? Sino sya?
HONEY: Si Unique Santos!
BEE: Eeek! Unique nga!

Honey-Bee: MAHINANG SIKMURA

HONEY: Uy, fish ball! Bee, bili tayo.
BEE: Tara! Mama, magkano po sa kikiam?
MAMA: Piso ang maliit. Tatlo-sampu ang malalaki..
HONEY: Ayoko ng kikiam. Fish balls na lang..
BEE: Bakit ayaw mo ng kikiam?
HONEY: Wala lang! Ikaw, bakit ayaw mo ng fish ball?
BEE: Sabi kasi ni Jessica Soho sa show niya na ang fish ball daw ay karne ng pating.
HONEY: Hindi totoo 'yun! Hindi naman lasang pating, ah.
BEE: Hindi nga lasang pating..lasang tao naman..
HONEY: Buwaaark! Ayoko na!
BEE: Bakit mo sinuka?
HONEY: Kadiri ka..
BEE: Kikiam, gusto mo?
HONEY: Ayoko!
BEE: Mahina pala ang sikmura mo, e.
HONEY: Nakalimutan ko palang i-remind ka..
BEE: Na ano?
HONEY: Na ang kikiam ay poopoo ng mga Chinese babies..Ew!
BEE: Buwaaark!
HONEY: Ba't mo sinuka? Mahina rin pala ang sikmura mo, e..
BEE: Tubig!

My Wattpad Pamangkin 28

Naka-get over na si Zillion sa break up nila ni Gelay. Malapit na rin niyang matapos ang Book 2 ng Red Diary. Nakatulong din ang madalas kong pakikipag-usap at pakiki-bonding sa kanya. 

Kamakailan lang, kinontak na naman siya ng publisher ng Red Diary niya. Sooner or later daw ay ilalabas na ang unang bulk ng libro sa mga bookstores. Ipinaghahanda na rin sa kanya ang Book 2 nito. 

Ako naman, kahit super-busy sa pagtuturo ng Creative Writing sa UP Diliman ay hindi nakakalimot i-update ang mga nasimulan kong stories. Malapit na rin uli lumabas ang "Here I am Without You". Patuloy pa rin akong nag-iisip ng bagong story ideas na papatok sa puso ng mga readers. 

Wala na kaming balita kay Gelay, lalo na nang lumipat siya ng ibang school. Hindi na siya nagkikipag-chat sa akin. Ang last niyang private message sa akin sa Wattpad ay "Tito bc ako sa skul kaya I can't chat you this time po. Cge lng po tito pag May time ako magcha-chat tayo. Cge po. Update ka nlng ng update ha? Cge po. Mwahwha po :**"

Bihira na rin siya mag-online sa Facebook. Gayunpaman, masaya ako kapag binabasa ko ang mga positive comments ng followers niya at readers ng story niya. Unti-unti nang nahasa ang kanyang writing prowess. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang istorya ng "Loving A Writer". Exceptional.

Alam ko, babalik siya kay Zillion, one day. Iyon kasi ang nagaganap ngayon sa story niya na nasa thirty-five chapters na.

Si Zillion naman ay kakikitaan ng kasiyahan sa kanyang mga nararanasan. Hindi naman siya nagpakita ng kalungkutan within these few days. Lagi siyang masigla. Sa kanyang post nga sa FB, mababakas ang kasiyahan sa kanyang puso. Sabi niya: "I'm happy for you, my friend. Wherever you are today, I will always here for you..Waiting! Just make your dreams come true, as I do mine.. <3"


Nabagbag ang puso ko.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...