Followers

Sunday, June 1, 2014

Honey-Bee: GENIUS

HONEY: Alam mo, Bee? Nakakabilib 'yung 10-year old na batang lalaki. Nakapasa sa exam ng Harvard University.
BEE:  O? Ako nga, baka sa edad kong ito, di ko mapasa ang entrance exam sa UP, e. Egius ng batang 'yun!
HONEY: Ito pa! 8-months old pa lang daw 'yun, nagsasalita na..
BEE: Wow! It's a wonder! Alam mo? Nasa pregnant mother din 'yan. Dapat 'pag buntis, nagbabasa ka para maging matalino ang anak mo. It's proven!
HONEY: Ha? hindi siguro..
BEE: Bakit?
HONEY: Bakit ako? "Di naman ako genius. Samantalang sabi ni Mama, mahilig daw siyang magbasa 'nun habang pinagbubuntis niya ako.
BEE: Bakit? Ano bang binabasa noon ng Mama mo?
HONEY: Mga komiks at pocketbooks!
BEE: Ngaak! No wonder!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...