BEE: Hon, anong pangalan n'yang nephew mo?
HONEY: 'Yang si pasaway? John.
BEE: John? Hindi ba nag-isip ng ibang names ang Daddy at Mommy niya? Napaka-common. Walang uniqueness.
HONEY: 'Yun kasi ang gusto nila, kasi combination daw ng names nilang Johaan at Nelly.
BEE: Kung ako magpapangalan.. April,June,July, August, January..February..March..May ..October..November..December o September.
HONEY: Unique ba 'yun?
BEE: Oo! Kasi lagi na lag buwan ng kapanganakan ang dahilan kaya sila tiantawag na ganun.. Di ba pwede ring buwan kung kelan sila ginawa? O, di ba, unique!?
HONEY: Hay, naku! Bastos mo! Speaking of uniqueness. May cousin akong unique ang name..
BEE: Sino? What's her name?
HONEY: Her name is Unique.
BEE: Ano nga?
HONEY: Unique nga!
BEE: Ano nga? Sino sya?
HONEY: Si Unique Santos!
BEE: Eeek! Unique nga!
No comments:
Post a Comment