BEE: Oh, Hon, bakit nakakunot ang noo mo? Ang aga-aga, e..
HONEY: Ang kukulit kasi ng mga pamangkin ko. Ang iingay. Nagising tuloy ako ng di oras.
BEE: Nagkape ka na?
HONEY: Hindi pa nga, e.
BEE: Sige..Tuloy ka. Sabay na tayo mam'ya. Ganun tlaga ang mga bata. Makukulit. Para namang di ka dumaan sa pagkabata.
HONEY: Of course, nadaanan ko. Hindi naman ganun kakulit, noh!
BEE: Pero napalo ka ng parents mo?
HONEY: I remember once..
BEE: See!? Ibig sabihin, makulit ka rin. Ako lang naman ata ang di napalo ng nanay ko. e.
HONEY: 'Wag ka magpatawa.. Ikaw? Dyusme!
BEE: Sige, tanong mo pa kay Boknoy.. Tinutukso nya nga akong tigidig, e.
HONEY: Bakit? Kasi tigyawatin ka noong bata ka?
BEE: Hindi! Kasi..pag papaluin na ako ni Mommy..para akong kabayo na kakaripas ng takbo.. Hindi ako napapalo.. Di niya ako maabutan, e!
HONEY: Aaargh! Hard!
No comments:
Post a Comment