Followers

Friday, June 13, 2014

My Wattpad Pamangkin 6

Habang gumagawa pa rin sina Angela at Zillion ng project nila, nasa harap naman ako ng laptop ko, updating my Wattpad stories. Nasa living room lang din ako, nakikita nila ako't nakikita ko rin sila. Natigil ang pagkukulitin ng dalawa. Naging seryoso sila. Pero, bago iyon, nahuli ko silang nagtatawanan. Halos, sumubsob pa nga si Angela sa dibdib ng anak ko sa sobrang saya nila. Cute naman tingnan. Hindi naman maharot at magsagwa. Ang tingin ko naman kay Angela ay galing sa disenteng pamilya. Sadya lang talaga silang naging close sa isa't isa. Nag-concentrate ako sa ginagawa ko. Sumeryoso na rin kasi sila. Mula kagabi, ngayon ko na lang uli nabuksan ang Wattpad ko. Gaya ng dati, dumadagsa pa rin ang followers at readers ng stories ko. Idagdag pa ang mg positive at heart-warming comments nila. But, ang inaabangan kong comment o mensahe at ang mula sa aking wattpad pamangkin. Siya si Gelay. Isa kasi siya sa inspirasyon ko para ipagpatuloy ko ang pagsusulat. Siya ang unang reader ng pieces ko na nagpahalaga sa akin, bilang tito. Siguro, dahil wala akong anak na babae kaya, nag-eenjoy ako na kausap siya. Hindi ko siya kakilala, personally. However, I am always inspiring her para magsimula ng una niyang wattpad story. Lagi kong sinasabi na sinimulan niyang magsulat ng diary sa wattpad. Binuksan ko ang profile ni Gelay. Gusto ko kasi siyang makilala nang husto. Wala akong makuhang impormasyon, maliban sa username niya at date ng kanyang pagsali sa wattpad. Hindi rin naman niya sinagot ang mga tanong ko sa kanya, kung ano ang tunay niyang pangalan. Ang huli niyang message sa akin ay "Sana po, one day, magkita tayo. I look up to you, my wattpad Tito." Nakakataba ng puso. "I hope so, my wattpad pamangkin," reply ko sa kanya. Hindi ko talaga siya makalimutan. Simula ng naging wattpad writer ako, siya pa lang ang nagpakita ng labis na paghanga sa tulad ko. I like her. If makipagkita siya sa akin, bibigyan ko siya ng mga wattpad books ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...