Followers

Thursday, June 5, 2014

Ang Tisa Ni Maestro 10

          Suwerte ako sa principal ko dahil isa siya sa mga pinagpipitaganang punungguro sa buong lungsod. Kilala siya bilang isang mahusay na administrador ng paaralan. Hindi ko siya pinupuri dahil siya ang nag-hire sa akin at siya ay ninong ko sa aking kasal sa pinsan ng asawa niya, pinupuri ko siya dahil siya ay magaling na pinuno.

          Ang totoo ay dumanas ako ng kanyang pagiging perfectionist. 

          Nariyan ang tatlong beses niyang ni-reject ang HeKaSi test questionnaire ko. Not jibe daw sa objectives. Tapos, hindi niya gusto ang ibang type of test ko. Gusto niya ang multiple choice lang. So, I had to re-cast the entire test. Until, nakuha ko ang gusto niya. Kaya lang. "Bakit naka-typewritten 'to?" tanong niya. Sabi ko, iyan lang po kasi ang available resources ko. Ang hindi niya alam, gusto ko rin siyang inisin. Magastos kaya ang paulit-ulit kang magpapa-print ng exam at paulit-ulit na ire-reject ng buong-buo.

          Gayunpaman, hindi ko binilang iyon as pagpapahirap sa akin. I took that as challenge. Second periodic test naman ay hindi na ako pinaulit. Perfect na. Iyon naman kasi ang gusto niya. 

           Masasabi kong nag-grow ako sa kanya. 

           Isa lang ayaw ko sa kanya. Ito ay ang pagiging one-sided niya. Ayaw niyang makinig sa paliwanag ng mga guro niya. Kelan ba siya huling humawak at nagturo ng bata? Matagal na. Noon iyon kung kelan mababait at tahimik pa ang mga mag-aaral. 

           Hindi na niya kilala ang mga bata sa panahon ko. 

           Kaya nang pinagalitan niya ako dahil maingay daw ang klase ko nang dumaan siya, nag-reason out ako. Sabi ko, maingay talaga dahil kalalabas lang ng isang teacher. Nag-aagawan ng Manila paper ng dalawang bata. Parehong gustong magsuli ng visual aid. Tapos, may nagkatayo daw. Sagot ko: Nagwawalis po iyon. Kahit na, maingay pa rin, dagdag pa niya. Kakapasok ko pa lang po talaga. Hindi pa nga po ako nila nakita kasi sa likod ako dumaan at nagkalkal agad ako sa cabinet ko ng mga materials ko para magturo. Iyan ang paliwanag ko ngunit di niya tinanggap. Bagkus, nagsabi pa siya: "Ang presence mo pa lang ay authority na. Ayoko ng ganyan!" Hindi nga po nila ako nakita. Kakapasok ko pa lang po talaga, inulit ko. 

           Wala ding nangyari. Ang opinyon niya ay pinanindigan niya. Nagsumbong sa grade leader namin. Big deal sa kanya na nasagot ko siya, kisihudang principal at ninong ko siya. Alam ko kasing nasa tama ako. Hindi nila ako nakita. Hindi pa ako tumayo sa harapan nila. Isa pa, hindi naman gaanong maingay. Ayaw niya lang talaga ng may ingay. Dapat pala sa sementeryo siya naging principal.

           Gayunpaman, hinangaan ko siya. Isa siyang mahusay na punungguro. Professional siya. Ayaw niya ng Filipino time. Ayaw niyang makinig sa isang side lang. Kinakausap niya pareho ang dalawa kapag may gusot. Hindi siya one-sided, in short. Tuturuan ka niya ng dapat gawin, although, bihira ka niyang mapuri. Ang paghahangad niya ng perpektong gawa ay minsan, nakakatulong naman para sa bawat nasasakupan niya. Nagiging hagdan ito tungo sa paglago ng kanyang mga guro.

           Ako, bilang kanyang guro ay lumago. Marami akong natutunan sa kanya. Naunawaan ko kasi ang kanyang hangarin. Huli ko man siya na-appreciate ay hindi naman ako naging sakit niya sa ulo. Naging asset din naman niya ako.

           Maaga akong pumapasok. Nagtuturo ako devotedly. Pinapasa ko on time ang mga reports. Nag-train ako ng mga batang isasabak sa contests. Pumupunta ako sa mga seminars at trainings na kanyang sinabi. At, ginagamit ang aking mga natutunan sa pagtuturo.

          Sa palagay ko, ipinagmalaki rin niya ako sa ibang guro dahil sa aking ipinakitang dedikasyon sa propesyon  at galing sa ilang larangan. Sayang nga lang dahil kailangan na niyang lumipat ng ibang school.

          Isa ako na sobrang nalungkot nang umalis siya.

          Kaya sa kagustuhan kong mabigyan siya ng pagkilala at parangal sa kanyang husay sa administrasyon, pumayag ako na sumulat ng tula para sa kanya na ipa-print at ipi-frame para baunin niya sa kabilang paaralan.

         Agad akong nakagawa. Maraming nagkagusto sa laman ng aking tula kaya hindi lamang ako nakapagpaligaya ng pinuno, nakilala pa ako bilang makata. At, doon nagsimula ang papel ko bilang tagapagsulat ng tula tuwing may aalis at magreretiro.

        Matagal na akong sumusulat ng tula ngunit noon lamang ako nakilala ng aking mga kaguro. Salamat sa aking principal. Salamat sa kanyang paglisan.. he he


         

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...