Followers

Saturday, June 14, 2014

Tatay, Ama, Papa, Daddy

Totoo kitang mahal, aking tatay
Aking pasasalamat, sa'yoy inaalay
Tandaan n'yo, ika'y walang kapantay
Ako' sa'yo'y lubos na nagpupugay
Yan at aking pagmamahal na tunay.

Aking ama, haligi ka ng tahanan
Mahal ka naming iyong angkan
Ang puso namin, ikaw ang laman.

Pagmamahal mo ay kaybuti
Araw man o maging gabi
Pagtratrabaho at pag-iintindi
Ang iyong pamilya, ika'y katabi.

Dahil sa'yo, ako ay lumago
Aking kaisipan, naging buo
Dahil sa'yo, buhay' nagbago
Di ka natinag, di ka sumuko
Yan ka, magulang--- may puso.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...