Hindi
ko ugaling pagalitan ang aking anak saan man nangyari ang kasalanan. Hinihintay
kong makauwi kami sa bahay at doon ko siya kakausapin. Hindi ko rin basta
pinapagalitan kapag nasa bahay na kami. Hinahayaan ko muna siyang magbihis at
magpapresko ng katawan. Sa hapag-kainan ko siya kinakausap. Hanggat maaari
tuwing nasa harapan lang kami ng pagkain nag-uusap ng mga seryosong bagay.
Naniniwala kasi akong ang hapag-kainan ay simbolo ng tunay na pamilya. Anumang
nakahain diyan ay isang pamilya pa rin. Kaya, anuman ang kasalanan, gaano man
kabigat o kagaan, alam kong mapag-uusapan at masosolusyunan.
Nasa
hapag na kami nang nagsalita ako tungkol sa nangyari at nakita ko kanina.
Zillion, kami ng Mommy mo ay dumaan din sa pagiging teenager.
Naging mag-girlfriend at boyfriend din kami. Tumingin ang anak ko sa
akin. Tumingin din kay Maila. Tapos, nag-focus na sa kanyang kinakain. Alam ko
makikinig siya, kaya ipinagpatuloy ko. But we never go beyond our
limits.
What do you mean, Dad? He spoke up at last.
Nothing, son.. Your Mom and I want you to study hard. You're too
young, supposedly for a relationship. Holding hands with Angela in public might
lead to something else, na hindi namin ikakatuwa ng Mommy mo.
But..Dad..
Sssh. Sinaway siya ni Maila. Listen up..'Nak..
It's okay, Zillion. Just know your limitations. We all know that as a writer, you need an inspiration, sa katauhan ni Gelay. Alam mo din na siya ay hindi pa writer. So, let's help her write her first story..
I'm doing that po, Dad..
Kaya mo ba siyang mapasulat at maging successful Wattpad writer, like me and you?
Zillion
thinks a while. Yes, Dad!
How?
Being his boyfriend... po.
I think you can do better than that, anak..
Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. Paano po?
Break-up with her...
Nagulat siya, gayundin si Maila. Pero, walang lumabas na salita sa bibig ng asawa ko. Hinayaan niya ako.
Pero... si
Zillion.
Ayaw kong pinapakain ka niya ng street food. Ayaw kong
nakikipag-holding hands ka sa public place. Ayaw ko na ang girl friend mo ay
hindi Wattpad writer..
But it's unfair, Dad! He puts down his fork and spoon.. He wanted to burst out..
Pero, hindi iyon ang gusto kong sabihin mo sa kanya..
Zillion walked out..
Zillion, bumalik ka dito.. Tawag ni Maila sa kanya pero tumuloy pa rin siya sa pagtakbo palayo sa dining area.
Hayaan mo na siya..
No comments:
Post a Comment