Sobrang
napasaya ako ng pamilya ko, lalo na ni Zillion sa Araw ng mga Tatay.
Punong-puno ng ligaya ang puso ko. Idagdag pa ang presence ni Angela. Hindi ko
lang siya Wattpad pamangkin, girlfriend pa siya ng kaisa-isa kong anak.
Tanggap
ko na, na may girlfriend na si Zillion. Tama si Maila, binata na ang anak
namin. Bakit ko pipigialan ang kaligayahan niya? Kung may pangarap man ako para
sa kanya, siguro ay may pangarap din siya para sa sarili niya. Tama rin naman
na ang pag-ibig ang isa sa pinakamagandang inspirasyon.
Inspirasyon
din naman ni Gelay si Zillion. Pati nga ako ay inspirasyon niya. Kaya, ang
bawat isa sa amin ay may papel na ginagampanan para bigyan ng inspirasyon ang
isa't isa. Mutualism, kumbaga sa Science.
Kasalukuyang
nasa study room si Zillion. Nilapitan ko siya para tingnan ang ginagawa niya.
Mga libro, notebook, cellphone at tablet ang nakita ko. Hawak naman niya ang
ballpen. Nakabukas ang kanyang kuwaderno. Hula ko, nag-a-assignment siya. Hindi
ako nagsalita, but I patted his shoulder. He smiled at me, before I left him.
Nag-Wattpad
na ako. Sigurado na ako na inspired si Zillion sa studies niya. Alam ko rin na
mag-a-update siya ng Wattpad stories niya, after ng homework niya.
Online
si Gelay, my Wattpad pamangkin. Nag-"Hello! How you po, Tito?" kaagad siya. Nag-reply ako.
Then, tinanong ko siya: When
will you start writing your first story?
Antagal
niyang nakapag-reply. Sabi niya: SLR.
Hindi ko pa po alam, Tito..
You
should know. You should start it as soon as possible, pamangkin. Zillion has 15
stories as of now. He has more than a million of readers for each story. I
think, that's enough para ma-inspire ka.
Hindi
na nag-reply si Gelay. Hindi ko alam kong inspired ba siya sa relasyon nila ni
Zillion o baka mas nawiwili lang siya sa sweetness ng anak ko. Kapag totoo ang
sapantaha ko, ako mismo ang magpapahiwalay sa kanila.
Gusto kong gamitin nila ang relasyon
nila para makapagsulat at hindi para mag-enjoy at makilig. Ang oras ay
mahalaga. Habang bata pa sana sila ay may napapatunguhan na ang kanilang buhay.
Ayokong
dumating sila sa point na magsisisi din sila kung bakit hindi nila nagamit sa
tama ang mga oras. Sana maunawaan nila kung bakit bente-kuwatro lang ang oras.
Hindi kasi ito unlimited. Paulit-ulit ito, pero maaaring maubos.
No comments:
Post a Comment