Followers

Sunday, June 8, 2014

Honey-Bee: DIRTY KADIRI

BEE: Ice cream! Bili tayo.. Mama, pabili nga po..
HONEY: Ew! Ayoko ng dirty ice cream..
BEE: Mama, dalawa nga po.. sa sweet cone.
HONEY: Bahala ka nga, hmp!
BEE: "Wag ka ng pasosyal, Honey.. Masarap naman ito, e.. O, tikman mo.
HONEY: Pa'no mo masissigurong clean ito? Kaya nga tinawag na dirty ice cream, e..kasi marumi.
BEE: Di lahat ng dirty, marumi. Bakit ang D.O.M.? Ang dirty kitchen o ang group ni Eminem na Dirty Dozen o D12. Hindi naman talaga sila marurumi physically. Dirty lang talaga ang utak mo.
HONEY: May dahilan kaya tinatawag na dirty ang mga iyon..
BEE: Ikaw ang maraming dahilan.. Kainin mo na 'yan, tunaw na , o.
HONEY: Imagine..Pa'no kaya nila pinaghalu-halo ang mga sangkap? Baka habang hinahalo nila ay kung anu-ano ang mga tumutulo sa mixture. Laway.. Pawis.. O kung anu-ano pa. Kadiri! Sa'yo na lang 'to.
BEE: Bwaark! Aaarghk!
HONEY: Ba't ka sumuka? Ang sarap naman pala nito, e. Di mo agad sinabi. (LOL)

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...