Followers

Tuesday, June 17, 2014

My Wattpad Pamangkin18

Naka-chat ko si Gelay sa Wattpad kagabi. Isang oras pagkatapos kong kausapin si Zillion sa kanyang kuwarto. 

Tito, break na po kami ni Zillion :'(

Kunwari ay hindi ko alam. Ha? Bakit?

Gusto daw niyang mag-focus sa pag-aaral at sa pagsusulat.. Mabait talaga ang anak ko. Hindi niya ako siniraan sa kanyang girlfriend. Hindi niya sinabing ako ang may kagustuhan ng lahat.

Ah, really? How are you now?

Masakit po, Tito. Sobrang sakit.. ‘Kala ko po, okay na kami.. dahil okay na po ako sa inyo. Pero, after niyang matanggap ang magandang balita na maipa-publish na ang story niya.. ito ang ginawa niya..

But, it's still on process.. 

Kaya nga po, Tito.. Hindi naman po siguro ako malaking hadlang sa kanyang pag-aaral at pagsusulat. Sabi nga po niya kahapon, ako ang inspirasyon niya...

Tama naman ang aking Wattpad pamangkin. Sinabi nga iyon ng anak ko sa kanya. Naaawa ako sa kanya. She doesn't deserve this. However, kailangan ko siyang tulungan. Ito ang pinakamagandang tulong na magagawa ko sa kanilang dalawa ---ang paghiwalayin sila upang muling pagsamahin sa darating na panahon.

Nakuha ko ang idea behind your break-up, pamangkin.. My son wants you to be inspired by it. I know he loves you so much. He told me. You inspired him. Pero, dahil kailangang niyang maabot ang kanyang pangarap, he has to do it. Breaking up with you did not mean good bye. It is just a beginning. Time will come, magiging kayo uli..

Thank you, Tito for giving me hope.. It made me happy.. kahit paano ay nabawasan po ang sakit.. Thank you po!

Pero, ano po ang gagawin ko to win him back?

Simple lang, pamangkin. You continue to be his friend and inspiration. As I told you, he still loves you. Binibigyan ka lang niya ng chance para makapagsulat at makapagsimulang makilala sa Wattpad. Naiisip ko ring idagdag ang totoo kong intensiyon. Sinusunod niya rin kasi ako at ang gusto ko. Gusto ko kasing maging successful siyang Wattpad writer pati ang babaeng mamahalin niya.

Ah, kaya po pala.. He idolizes you a lot. 

Yes, pamangkin... So, I'm sorry.. It's partly my fault..

No, Tito. It's nobody's fault.. Thank you po uli.. Nalinawan na po ang isip ko. 

Mabuti naman kung ganun, pamangkin.. Just hold on. If you love my son, you will follow him.. 

Yes po.. Sisimulan ko po.. Salamat po. Bye po!

Bye, pamangkin!


Nakahinga ako ng maluwag. Mabait pa rin ang mga batang ito. Si Gelay, hindi nagtanim ng galit sa aking anak. Si Zillion, masunuring bata. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...