Followers

Friday, June 13, 2014

My Wattpad Pamangkin: 1

"Hello, Zillion?" Mataas na ang boses ko. Kanina pa kasi ring nang ring ang cellphone ng anak ko. Hindi na sinasagot.
"Hello, Dad!"
"Asan ka ba? Kanina pa ako dito sa waiting area. Out na ninyo, 'di ba? Uwi na tayo..."
"Andito pa po ako sa classroom. May tinatapos pa po kaming project ni... A-angela?" Naalangan pang sabihin ni Zillion ang pangalan ng kasama niya. Babae pala. Naku! Baka kung ano na ang kalokohang ginagawa ng anak ko, naisip ko.
"Paghihintayin mo pa ba ako? Si Mommy mo, susunduin pa natin. Tapos, nag-grocery pa 'yun. Tara na! Uwi na. Isama mo na kaya si Angela sa bahay. Dun na lang ninyo tapusin 'yang project n'yo..."
Narinig kong nagbulungan ang dalawa, pero 'di malinaw sa aking pandinig, kung ano ang pinag-uusapan nila. 
Maya-maya...
"Sige po, Daddy. Lalabas na po kami..."
"Alright, son. I'll wait here for both of you." I clicked off my mobile phone and waited for my son and his friend.
Inorasan ko. Limang minuto rin sila bago nakarating sa waiting area. Nahihiya pang lumapit si Zillion, na kabuntot si Angela (raw).
"Dad, sorry po for making you wait... Meet Angela, my classmate." Hiyang-hiya ang anak ko, habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Si Angela naman ay saka lamang nagtaas ng mukha nang marinig niya ang pangalan niya.
"Hello po, Sir! Nice meeting you..." sabi ni Angela. Hindi siya nakipag-shake hands, gaya ng inaasahan ko. Pero, okay lang dahil parang mahiyaing bata siya. Parang nerd pa nga. Naka-eye glasses. Makapal ang mga lens. 
"Hi, Angela! Nice meeting you, too. How are you, two?"
"Mabuti naman po kami Daddy," mabilis na sagot ni Zillion.  "Let's go na para po ma-text na ni Angela ang Mama niya, while we're on the car."
"Ok! Let's go!"
Nasa likod sina Zillion at Angela. Wala silang imikan, habang binabaybay namin ang kahabaan ng Taft Avenue. Alam kong na-notify na rin ni Angela ang magulang niya. Wala naman sigurong problema. 
Minutes later, nag-ring ang cellphone ni Angela.
"Hello po, Ma!....... Opo! Hindi po...... Project po. Bukas na po.....Opo! Sige na po...... Kina Zillion po........... Hmmmm..... Sige po..uuwi na po. Bye po." Malungkot na nag-bye si Angle sa kanyang ina. Nahulaan ko na ang sinabi ng Mama niya. 
"Sir... sorry po." Si Angela, kausap pala ako.
"O, anong sabi, Angela? " tanong ko naman. Kunwari, 'di ko gets ang pangyayari.
"Hindi po ako pinayagan ni Mama. Diyan na lang po ako sa tabi."
"Ihahatid ka na namin sa bahay mo. Saan ka ba nakatira?"
"Huwag na po... Babalik po kasi tayo, kung ihahatid niyo pa po ako. Magko-commute na lang po ako. Araw-araw ko naman po iyon ginagawa." Mahiyain pa rin ang tono ng boses niya. 
"A, ganun ba? Sige. Dun ka na lang bumaba..."
Nang naibaba ko na, saka lang nagsalita si Zillion. Alam ko nag-usap ang mga mata nila. May something sa kanilang dalawa.
Conscious akong malaman...
"Nak, magtapat ka.. Girlfriend mo ba si Angela?" Mahinahon ang boses ko. Enough para hindi ma-intimidate si Zillion. Ipinaramdam ko na hindi naman ako magagalit, kung magsasabi siya ng totoo. Karapatan naman niya 'yun. Although, nasabi ko sa kanya na unahin muna ang pag-aaral bago ang paggi-girlfriend, ay pwede naman siyang makipagrelasyon kung gusto niya.
"A... e, hindi po." Nautal pa ang anak ko. Napangiti na lang ako.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...