Followers

Monday, June 2, 2014

Honey-Bee: NUNAL SA NOO

HONEY: Proud na proud talaga ang mga Pinoy d'yan kay Ms. Lara Quigaman, 'no?
BEE: Syempre! Sa loob ba naman ng 26 years, saka lamang nagkaroon ng karanganlan ang Pilipinas sa titulong Miss International. Ibig sabihin, natigil ang pag-aanak ng mga Pinay ng mga magaganda..
HONEY: He he, corny! Ang sabihin mo, ngayon lang nabigyan ng proper training ang mga beauties na ilalaban.
BEE: Ganun ba 'yun?
HONEY: Oo! Kung mabibigyan nga lang ako ng chance..sasali ako, e!
BEE: Susmaryosep! Ibang usapan na'yan!
HONEY: (Kukurutin si Bee) Aba! May panama rin ako, noh!
BEE: Ba't ka nangungurot?
HONEY: Kasi ikaw, e, nang-iinis ka..
BEE: He he! Pero, alam mo? May classmate ako na napakaganda. Sobra! Matangkad pa at sexy..
HONEY: Matalino ba?
BEE: Oo naman! Pwedeng-pwede nga sa beauty contest. Kaso, mahiyain.
HONEY: Hay, naku! Sayang! Pagtanda n'ya, pagsisisihan n'ya ang di pagsali. Tsaka, madali na lang magkaroon ng self-confidence ngayon. Konting psychology lang.
BEE: Ayaw nga, e.. Kasi daw may nunal siya sa gitna ng noo..
HONEY:  Ano naman daw? It means matalino tlaga s'ya. maraming celebrities na may nunal sa noo at talagang matatalino..
BEE: Naniniwla ako dun. Sobra ngang talino n'ya, e.
HONEY: Bakit?
BEE: Sobrang laki kasi ng nunal n'ya! Parang holen!
HONEY: Ngeek! Kaya pala, e..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...