Followers
Saturday, June 14, 2014
My Wattpad Pamangkin 8
"Zil, nakita ko ang Wattpad profile mo kanina," sabi ko sa aking anak nang pabalik na kami sa bahay.
"Which one, Dad?" He is wattpading sa kanyang tablet. He is sitting beside my seat. Hindi siya tumingin sa akin.
"Who inspired you most?" I'm referring to his self-description. Sabi niya doon: You inspired me most. Thank you for always being there.
"A... e... Ikaw po yun, Dad!" Nagkunwari siyang hinahanap ang cellphone sa bulsa. Alam ko, hindi ako ang tinutukoy niya. Binasa kong mabuti. Babae ang inspirasyon niya.
Gusto kong matuwa dahil lalaking-lalaki ang anak ko. Pero, hindi ako lubusang masaya dahil napapansin kong kumukonti ang update niya sa wattpad. Hindi na niya nadugtungan ang story niyang "Pangarap Lang Kita Noon". Tapos, ang 'Red Diary' niya ay hindi na niya halos ma-update. Isang chapter lang bawat araw ang nasusulat niya. Ang followers niya nga sa "The Teacher's Son" ay naghahanap na ng next chapter. Nabibitin daw sila.
"Okay lang naman, anak, na mag-girlfriend ka. Huwag mo lang pabayaan ang pagsusulat mo. Alam mo naman kung bakit, 'di ba?'' Naramdaman kong nag-iba ang mukha ng anak ko. Sumimangot siya.
"Yes, Dad!" Tapos, hindi na siya kumibo. Nag-focus siya sa wattpad. Nag-a-update na yata. Hindi na rin ako nagsalita, hanggang sa makauwi kami. Tumuloy siya sa kuwarto niya.
Nag-shower lang ako saglit, tapos, kumatok ako sa kuwarto ni Zillion.
"Zillion, galit ka ba kay Daddy?" Tinabihan ko siya. Nakasandal siya sa headboard ng kanyang kama.
Tumingin muna siya sa akin. "Hindi po..."
Inakbayan ko siya. "Alam mo, anak. Daddy is always here for you. I will support you all the way... Pangarap nating makapag-publish ka rin ng stories mo, 'di ba?"
Tumango lang si Zillion.
"Kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Angela, it doesn't matter. Basta, you promise me, na you will not be affected by it. Promise?"
"Dad, hindi naman po talaga kami ni Gel... I mean, Angela."
"It's better, 'nak!" Tumayo na ako. "Good night! "
"Good night, Dad!" He kissed my cheeks soundly.
Ang sweet ng binata ko. Sana hindi siya magbago sa amin ng Mommy niya. I'm afraid na mabawasan ang sweetness niya kapag may kasintahan na siya.
Bago ako natulog, nag-wattpad ko. Isang chapter ang natapos ko. Nag-message din si Gelay. Sabi niya: Good night po, my wattpad Tito!
I replied: Good night, my wattpad pamangkin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment