Followers

Sunday, June 22, 2014

My Wattpad Pamangkin 31

Lumipas ang mga araw, hindi ko nakitaan ng kalungkutan ang anak ko. Although, hindi pa rin namin maramdaman si Gelay, alam naming nasa mabuti naman siyang kalagayan. Marahil ay abala pa rin siya sa pagsusulat.

Si Zillion ay hindi ko na rin halos masarili. Ilang araw na siyang nag-promote ng libro niya sa mga mall. Nagpa-book signing ang management niya. Nakakapagod din kahit hindi ako ang pumipirma. Pero, masaya ako ng sobra dahil nararanasan na niya ang mga nararanasan ko bilang manunulat. Ang kaibahan lang namin ay mas bata siyang nakapagsimula. Kaya, mas maraming kabataan ang nakakarelate sa kanya at mas maraming followers ang nag-patronize ng kanyang libro, lalo na't may hitsura pa ang anak ko. Instant fame ang natamo niya. Parang artista o singer.

Bawat book signing event ay may kakaibang experience. Nandiyan ang mga teenagers na nag-aaway sa pila dahil gusto nilang mauna. Mayroong gustong kumiss kay Zillion. Madalas, may nakikipagselfie at nagpapapicture. Pero, sa huli niyang event, na ginanap sa SM Mall of Asia, hindi lang kakaiba ang naganap, kundi hindi inaasahang pagdating ni Gelay.

I'm your fan. Pwede ba akong magpa-autograph? sabi ni Gelay na naka-shades kaya di namin kaagad nakilala.

Gelay?! Instinctively, niyakap siya ni Zillion. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga fans.
Tinanggal niya ang kanyang shades at nag-kiss din sa akin. Musta na po kayo, Tito?

Mabuti. Ikaw, how are you?

I'm fine po, Tito. I'm sorry kung di po tayo nagkita nang pumunta kayo sa Bulacan.

Ok lang, pamangkin. Mabuti naman at nakarating ka ngayon.

Yes po! I just dropped by..

Speechless si Zillion. Hindi pa rin siya makapaniwalang si Gelay mismo ang nasa harap niya.

O, Zillion.. pirmahan mo na ang book ni Gelay. Iniba ko ang usapan, medyo natigalan kasi siya.

Ah..oo, akin na, Gel.. Then, sinulatan niya ng note at pinirmahan niya ang book na binili. Sabi niya: "Thank you for coming! Thank you for coming into my life! Enjoy my story.. Love, Zillion"

Thank you, Zillion! I have to go. My Dad is about to fetch me.

Ha? Ah..e, sige. Thanks! Take care!

Saan ka na, Gelay? Mag-lunch muna tayo.. Ayaw ko pa siyang umalis. Gusto ko sanang makasama namin siya ng matagal para magkausap sila ng anak ko.

Di na po, Tito. Pinatawag po ako ng publisher. Kailangan ko pong makarating on time..

What?! I'm so glad to hear that. She's about to have a published story. Congrats, pamangkin! I'm so proud of you.

Congrats, Gel! You make me so happy, si Zillion. Mababa ang boses niya. Halos gustong tumulo ng mga luha niya dahil sa tuwa.

Thank you! Thanks to both of you po.. Utang ko po sa inyo ang lahat ng ito. Salamat! Bye for now.. Umalis na siya. Pero, bago tuluyang makalayo, tumingin pa uli siya sa akin at kay Zillion. Parang may gusto siyang ipahiwatig. Nakita kong lumamlam ang kanyang mga mata.

Tila bumagal at kinabagutan ni Zillion ang bawat minuto. Gusto na niyang matapos ang book signing, kaya lang hindi pa pwedeng tapusin ng wala sa itinakdang panahon. Kaya, nagtiyaga siya.

Nang matapos ang event, saka lamang kami nagkapag-usap ni Zillion. Pareho kaming naging masaya sa pagdating ni Gelay.

Ang anak ko ay muling pumintig ang puso. Ramdam ko.


Ako naman ay naging proud sa aking ginawang paghihiwalay sa kanila. Wala pala akong dapat pagsisihan sa aking action bilang ama ni Zillion at bilang Wattpad tito ni Gelay, dahil ito ay nagbunga ng tagumpay sa kanilang dalawa. Ngayong pareho na silang matagumpay na manunulat, maaari na nilang ipagpatuloy ang kanilang pinutol na relasyon.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...