Followers

Friday, June 13, 2014

My Wattpad Pamangkin 7

Alas-siyete na ng gabi nang matapos nila ang kanilang project. Ready to pass na sa Lunes. Hindi ko talaga sila nilubayan para magawa nila ito nang maayos. "Dad, what can you say po?" Iniharap pa niya sa akin ang output nila. Sinipat-sipat ko kunwari. Hindi nila alam, na nakita ko na bago pa nila ipinakita sa akin. "It's great, son! Kung ako ang teacher niyo, I'll give you 98%." Totoo ang sinabi ko. Mahusay ang pagkakagawa nila. Nakuha nila ang gusto kong mangyari. Naalala ko ang gawa ko dati... "Thank you, Dad!" "Thank you, Sir!" sabi naman ni Angela. "Welcome! That's the result of your concentration and determination. Just like in writing. Right, Zillion?" "That's right, Dad!" "Sir, uwi na po ako. Maraming salamat po..." "Ihahatid na kita. Call your Mom that you are going to stay here till dinner..." "Okay po." "Okay! You follow me after that. I think your Mom has already prepared our dinner." "Sure, Dad!" I left the two. They immediately kept their clutters. Sa kusina, naabutan ko si Maila, my one and only wife, na naghahanda ng hapunan. "O, Zander, how's your son and his girl friend, I mean his classmate?" She laughed a bit. "They're fine. Tapos na nila ang project. Dinner's ready na ba?" "Yes, Der! Help me set the table..." Tinulungan ko si Mai na ihanda ang mesa. Maya-maya, pumasok na ang dalawang bata. "Come on, kids! Lets' eat..." Mas naging at ease si Angela sa pagkain. Hindi tulad kaninaNg tanghali, na nahihiya pang ngumuya. Nagulat pa nga ako nang i-appreciate niya ang luto ni Maila. "Thanks, Angel! I think you should be here always... I love you!" Nagtinginan silang tatlo. Halos, masilaw ako sa kislap ng mga mata ni Zillion. Lumabas pa ang mga dimples. "Sir Zander, masarap din po kayong magluto. Nagustuhan ko Rin po ang luto niyo kanina." "Thanks!" Napilitan lang siguro. "It's true, Dad. Sabi po ni Angela kanina... Kanina lang daw siya nakatikim ng ganun kasarap na putahe..." Pinilit kong ngumiti. Hindi ko alam kong binobola lang ako ng dalawang teenager na ito. Anyway, alam ko naman iyon. Madalas ko kasing marinig iyon sa aking mag-ina. Pagkatapos naming maghapunan, inihatid na namin si Angel. Hindi na siya nagpahatid sa loob ng subdivision na tinitirhan nila, hanggang sa gate lang kami.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...