Followers

Tuesday, June 17, 2014

Honey-Bee: BOXER

BEE: Ang laki talaga ng karangalang ibinibigay ng mga boxers na 'yan sa ating bansa..
HONEY: Korek! Halos tingalain tayo nila, dahil sa husay ng ating mga boksingero.
BEE: At hindi lang 'yun! Pati pangulo, bigay-todong suporta ang ginagawa para lalong magpursige ang mga boxers natin..
HONEY: Naisip ko lang.. why don't you try boxing?
BEE: Ok ka lang? I'm not getting any younger..
HONEY: Bakit? Pambata lang ba ang boxing? Hindi pa huli ang lahat.. Duwag ka ang yata, e..
BEE: Hindi, ah!
HONEY: O kaya..takot kang masaktan..
BEE: Hindi, ah! Matapang ako..saka ba't ako magpapabugbog?
HONEY: Ayaw mo bang yumaman?
BEE: Gusto! Pero, hindi sa paraang gusto mo..
HONEY: O, baka gusto mo ibili kita ng gloves..
BEE: Kaya kong bumili..
HONEY: Ihahanap kita ng trainer..
BEE: Pleae, Honey..wag mo akong pilitin, baka boksingin kita dyan..he he..
HONEY: E, bakit nga ayaw mo?!
BEE: Sayang, e!
HONEY: Anong sayang?
BEE: Sayang ang kagwapuhan ko! Dapat artista ako, hindi boxer..
HONEY: Ew! aaarwk! Nasusuka ako..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...