Followers
Saturday, June 14, 2014
My Wattpad Pamangkin 10
Nang bumangon si Zillion, nasa garden na ako— nagsusulat ng chapter ng Wattpad story ko. Binati niya ako ng Happy Fathers' Day at nag-kiss and hug siya sa akin. Ang sweet pa rin ng anak ko, kahit binata na. Nakakatuwa. Akala ko, hindi niya maaalala ang araw na ito.
"Thanks, son! You're the reason of my fatherhood." Halos, maiyak ako sa tuwa. Hindi ko kasi inakalang magiging ganito ako kasuwerte sa anak ko. Siya ang isa sa mga nagbibigay sa akin ng inspirasyon—— sa pagsusulat ko at sa pagtuturo ko. Siya ang lagi kong isinasama sa mga kuwentuhan. Siya ang rason kung bakit ako ay isang mabuting ama.
"Ang sweet naman talaga ng mga poging ito!" Naabutan kami ni Maila sa ganung eksena. Nakayakap sa akin si Zillion. Saka lang kami naghiwalay.
"Join us, Mai!"
Nakisali na nga si Wifey. Nagyakap kaming muli...
"I love you, Dad! I love you, Mom!"
"I love you, anak!" Halos magkasabayan naming sinabi ni Maila. So sweet. Nakaka-touch... Buo na ang araw ko. Meron kasi akong mapagmahal na asawa, at matalino at sweet na anak... What more can I ask for? Wala na.
"Dad, simba po tayo ngayon."
"Okay. Let's go!" Mabuti, ipinaalala niya ang pagsisimba. Balak ko sanang i-treat lang sila sa fine dining restaurant. "Let's leave early..."
"That's right, Der!"
"O, sure... I have to take a bath now."
"Wait, mag-almusal ka muna... Punta na sa dining. Susunod ako." Si Mommy niya ang nagsabi.
Tinapos ko lang ang chapter, saka ako pumasok sa bahay. Kailangan ko na ring maligo.
Dumaan muna ako sa kusina. Gusto kong tingnan kung andun pa si Zillion o kung nag-almusal siya. Nag-almusal nga siya kasi naiwan niya ang cellphone niya.
Akma ko itong dadamputin para ibigay sa kanya nang mag-ring ito. Gelay is calling, sabi sa cellphone... Bigla kong naalala ang wattpad pamangkin ko—- si Gelay.
Nag-isip ako...
Kumpirmado. Si Angela ay si Gelay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment