Ang
bilis ng mga araw. Dream come true para kay Zillion ang araw kung kelan inilabas
ang kauna-unahang copies ng Book 1 ng Red Diary. Para ko na ring naabot ang
langit sa sobrang proud ko sa aking anak.
Si
Maila ay halos maiyak pa sa sobrang tuwa. Hindi daw niya akalaing sa murang
gulang ni Zillion ay magiging writer ito.
Salamat
po, Diyos ko! usal
pa ni Maila.
Kumikita
na ang ating anak.. I'm so overwhelmed by this success.
Oo
nga, Zander.. Dinaig pa ako.
Nag-out-of-town
kami, as a reward to my son's achievement. Friday night, nasa Batangas na kami.
Two nights and two days kami doon. Iniwan muna namin ang Wattpad sa bahay. Puro
lang kami pag-e-enjoy at pagba-bonding. Ginawa
ko ang lahat upang mapasaya at maging inspired ang aking anak.
Since,
private ang nakuha naming resort, halos solo namin ang place. Kaya naman, hindi
kami nag-aksaya ng oras para mapasaya namin ang isa't isa. Swimming. Kain. Laro
sa buhanginan. Picture-picture. At iba pa.
Sarap!
Walang kasing saya kapag kasama mo ang pamilya mo.
Magiging
panata ko ang ganito tuwing makakapag-publish kami ng libro. At ipinipangako
ko, sa susunod, kasama na si Gelay sa aming out-of-town. Alam kong magiging
lubos ang ligaya ni Zillion kapag kasama namin siya. Hindi man niya sabihin sa
akin, nararamdaman ko ang kulang sa puso niya.
Nag-enjoy
ka ba, Nak? tanong
ko kay Zillion nang pauwi na kami.
I
enjoyed a lot, Dad! Mabilis
niyang sagot.
Congrats,
uli!
Thanks,
Dad! Utang ko po ito sa inyo. Ang husay niyo pong mentor..
Thanks!
But, I just inspired you. Your writing skill made it possible..
Ngumiti lang siya. Thanks
din po, Mom! Dahil you are always there to understand me..
Welcome,
anak!
May
gusto ka bang bilhin sa pera mo, Zil? tanong
ko.
Wala
po, Dad! I want it to be deposited in a bank..
That's
good! Sige, I'll open an account for you..
I just
want one favor, Dad..
What
is it, Zil?
I
wanted to visit Angela. I got his home address..
Nagulat
ako. hindi ko lang ipinadama. Nagulat din si Maila. Naisip kong talagang mahal
niya si Gelay. Gumawa siya ng paraan upang mahanap niya ang dating kasintahan.
Humanga ako sa kanya sa kabilang banda,
O,
sige, anak.. Puntahan natin siya bukas..
Nag-yehey
pa siya. May childish side pa rin ang anak ko..
No comments:
Post a Comment