Followers
Friday, June 13, 2014
My Wattpad Pamangkin: 2
Hindi na kami nag-imikan ni Zillion hanggang sa masundo namin ang Mommy niya sa opisina. Sila na ang nag-usap. Nag-concentrate na lang ako sa pagmamaneho. Sila na lang din ang pinapasok ko sa grocery. Nag-stay ako sa kotse at umidlip ako. Pero, hindi rin naman ako nakatulog nang mahaba. Kaya, nag-Wattpad ako. Nag-update ako ng isa sa mga stories ko.
Isa at kalahating oras na ang nakalipas, wala pa ang mag-ina ko.
Nag-update uli ako ng isa pang story ko. Tapos, isang message ang na-receive ko mula sa wattpad pamangkin ko na si Gelay. Sabi niya, nakilala na raw niya ang father ng boyfriend niya. Sobrang hiya raw niya. Hindi raw siya mapakali. Tapos, nagtanong pa siya, kung paano raw magugustuhan ng ama ng kanyang boyfriend. Pinayuhan ko siya na laging maging magalang. Huwag siyang maharot.
Nagpasalamat si Gelay. Susundin daw niya ang payo ko.
Then, pinuri niya ang new update ko. Ang ganda raw. Kinilig daw siya at na-inspire magsulat. Sabi niya: "Sana po makapagsulat na po ako..."
"Kaya mo 'yan, pamangkin! Isulat mo lang lahat ang nasa isip mo. Kung kaya mong isipin, kayang mong isulat," sabi ko pa. Lagi ko siyang ini-inspire na magsulat. Kaya lang, hindi pa raw niya kaya. Sa tuwing susubukan niyang magsulat ay para siyang naba-blangko. Parang naglalaho lahat ng salita sa kanyang isip. "Okay lang 'yan, Gelay! Time will come, you will be able to write your first story."
"Sana po, Tito... Idol ko po kasi kayo. Lagi ko nga pong inaabangan ang halos lahat niyong stories."
"Salamat!"
"Welcome po! "
"Basahin mo rin ang stories ng anak ko."
"Ano po ang title? Or ang username ng anak ninyo?"
"I recommend, Red Diary... Makaka-relate ka sa story. Zilyonaryo ang username niya."
"Po? Anak niyo po siya?"
"Yes!"
"Sige po, Tito. Bye po... Log out na po ako."
"Ok, sure. Bye, pamangkin. Study hard..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment