Followers

Tuesday, June 10, 2014

Honey-Bee: RALLY

BEE: Istorbo talaga 'yang mga raliyistang 'yan! Sana di na lang tayo dito dumaan. Tara. iwas tayo.. Mam'ya mapagkamalan pa tayong mga aktibista..
HONEY: Sige, doon tayo dumaan..
BEE: Kakainis!
HONEY: Karapatan nila 'yan.. "wag kang mainis sa kanila. Kung maka-administrasyon ka, hayaan mo silang isigaw ang kanilang mga hinaing..
BEE: Ayan, tingnan mo, binobomba na ng tubig..ang tatapang pa rin.
HONEY: Hindi titinag ang mga 'yan hangga't may duming nakikita sa gobyerno. Naku! Kung wala lang akong trabaho, sasama ako sa rally.
BEE: 'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin! Masasaktan ka lang.
HONEY: Di bale na..ang mahalaga, ang prinsipyo. Saka, tubig lang 'yan!
BEE: Sige, sumama ka.. "Kaw din..
HONEY: Talaga! May nagyayaya pa naman sa akin..
BEE: May kilala rin ako.. Nagtatanong.. paano raw masusupil ang mga rally-rally na'yan?
HONEY: Sige, mag-suggest ka. Basta ako..dream ko makasama sa rally..kahit bombahin pa kami ng libu-libong firetrucks..
BEE: Ows? Kahit truck ng Malabanan?
HONEY: Malabanan? 'Yun na 'yung truck na sumisipsip ng mga poopoo sa septic tank?
BEE: Oo!
HONEY: Ew! Yakeeesh! Ayoko na palang sumama sa rally...

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...