Followers
Saturday, June 14, 2014
My Wattpad Pamangkin 9
Alas-singko pa lang, gising na ako. Gising na rin si Wifey. Tinimplahan niya ako ng hot coffee. Sabay kaming nagkape sa garden.
Nakaupo na kami sa garden set nang binati niya ako ng Happy Fathers' Day. Akala ko ay hindi niya naalala ang okasyong ito para sa ama o haligi ng tahanan.
"Salamat, Mai!" Kiniss ko siya. Niyakap niya ako.
"I love you, Dad!"
"I love you more!"
"Himbing pa ang binata natin..."
"Oo nga! Nagbibinata na kasi. Parang kailan lang."
"Parang kailan lang, puro lang siya laro... Ngayon, writer na."
"Lover pa..." Nagtawanan kami. "Sana magmana sa akin, na stick to one."
"Sana..." Niyakap uli ako ng asawa ko. So sweet. Masaya ako, na naging asawa ko siya. Masaya na ako sa araw na ito ng mga tatay. She completes it!
Nang matapos kaming magkape, kinuha ko ang laptop ko sa kuwarto ko. Si Maila naman ay naghanda ng almusal. Dumaan muna ako sa kuwarto ni Zillion. Kakatok sana ako nang marinig ko siyang may kausap.
"Oo, basta...Ganun na lang, ha? Sige, bye. See you later. Ingat! Love you, too!"
Na-shock ako sa narinig ko. Confirmed! May girlfriend nga ang anak ko.
Nalimutan ko tuloy na kukunin ko sa kuwarto ko ang laptop para makapagsulat na ako. Instead, pinuntahan ko si Maila sa kusina.
"Exaggerated ka naman, Der..."
"E, kasi..."
"Kasi ano? Sabihin mo nagseselos ka? Hayaan mo nga siya. Binata na ang anak natin. Gusto mo bang tumandang binata siya dahil pinigilan mo at pinush mong maging writer?"
"Nope!"
"Yun naman pala, e. Kalma. Maging masaya ka na lang dahil may nagmamahal sa anak mo..."
"E, siyempre, pogi kaya ng anak natin... Mana sa Daddy."
"I agree!" Nagtawanan kami. Bolera ang asawa ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment