Followers

Saturday, June 21, 2014

My Wattpad Pamangkin 30

Kinabukasan, tinupad ko ang pangako ko kay Zillion na hahanapin namin ang bahay ng aking Wattpad pamangkin na si Gelay. Pareho kaming absent sa school. Di bale na.

Maaga pa lang ay naghanda na ng almusal si Maila para raw hindi kami gutumin sa biyahe. Malayo-layo rin ang Bulacan kaya kailangan ngang mag-heavy meal. Pinabaunan pa kami ng fruit juice at egg sandwich. 

Okay naman ang traffic kaya wala pang dalawang oras ay narating na namin ang aming destinasyon sa tulong ng Google map at matiyagang pagtatanong. 

Sa asul na gate kami tinuro ng tricycle driver na napagtanungan namin. Tama naman siya. Isang maid ang nakausap namin.

Nasa school siya, Sir.. Hindi niya kami pinapasok, pero nakikita namin ang isa't isa.

Anong oras po ba ang labasan nila sa school? tanong ko. 

Alas-dos po, Sir.. Kaso, susunduin po ng Daddy niya dahil may kasalan silang dadaluhan mamaya. Sino po sila?

Ako po si Tito Zander niya. Ako po ang tinatawag niyang Wattpad tito. Kasama ko po ang anak ko si Zillion, dati niyang classmate sa Manila.

Ah.. ok po. Balik na lang po kayo.. Sasabihin ko na lang po na dumalaw kayo.

Salamat po! Tuloy na po kami..

Sige po, Sir! Ingat..

Wait, Dad.. Lumabas si Zillion mula sa kotse. Hawak ang kanyang tablet. Selfie muna tayo kasama si Ate para maipost ko sa FB at para makita ni Gelay na pumunta talaga tayo.

That's a good idea. Tara! Sama po kayo, Ate!

Click!

Tapos, umalis na kami ni Zillion. Bigo kami pero, natupad ko naman ang pangako ko kay Zillion. Hindi ko rin naman siya nakitaan ng matinding disappoinment.


On the way back home, nagpaka-busy si Zillion sa kanyang tab. Alam ko, masaya naman siya kahit paano. Anytime kasi ay pwede kaming bumisita uli kay Angela..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...