Followers

Monday, June 16, 2014

My Wattpad Pamangkin 17

Pagkatapos naming kumain ni Maila, pinuntahan ko si Zillion sa kuwarto niya. Gaya ng sinabi ko, bawal siyang mag-lock ng pinto. Pero, kumatok pa rin ako ng tatlong beses, bago ako pumasok. Naabutan ko ang anak ko na nakasandal sa headboard ng kama. Kayakap niya ang unan. Nasa side table naman niya ang cellphone, na alam ko ay inaabot niya kapag may nag-text. 

Pwede ba nating ipagpatuloy ang pag-uusap natin? Pagbubukas ko ng usapan. Hindi ako umupo sa kama. Lumuhod ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya.

Tumango lang si Zillion.

Makinig ka, anak.. Hindi ko gusto na saktan ka. Wala kaming tutol sa relasyon niyo ni Gelay. In fact, masaya kami dahil.. dahil binata ka na.. Ngumiti ako. Nang, hindi ko nakitang ngumiti ang anak ko, pinisil ko ang pisngi niya. Ngiti ka naman dyan, Zillion. Sige ka, hindi ka na pogi.

Napangiti ko siya.

Ayan! Pogi ka na uli.. Nagtawanan kami. 

Umiiyak po ngayon si Gelay.. sabi ni Zillion pagkatapos naming tumawa. Sumeryoso siya.

You break-up with her?

Umiyak si Zillion bago nagkapagsalita. Opo, Dad! I did!

Naawa ako sa anak ko. Di ko akalaing napakalakas ng impact sa kanya ang mga sinabi ko. Niyakap ko siya. Ito ang unang pagkakataong iiyak siya sa balikat ko dahil sa babae. Dati-rati, umiiyak lamang siya sa balikat ko kapag napalo siya ng Mommy niya o kaya nadapa siya o kaya kapag inaway siya ng kalaro niya. 

Hay! Di ako naging handa sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam na mahirap palang mag-handle ng problema sa puso. 

Napaka-harsh ko naman kasi sa kanya. Bakit ba kasi pini-pressure ko sila ni Gelay? Ano bang masama kung makipag-holding hands siya? Ano bang problema kong kumain siya ng street food? Kasalanan bang hindi pa kayang makapagsulat ni Gelay?

Gusto ko na ring umiyak. 

Sorry, anak.. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Gusto ko lang naman na mag-concentrate ka sa pagsusulat. Gusto ko lang ding ma-inspire mo si Angela na makapagsulat. Naisip ko lang kasi na baka ang tanging paraan para magawa niya iyon ay mag-break kayo. Kung kayo naman kasi, no matter what, kayo pa rin.

Hinihintay ko na magsalita si Zillion pero hindi niya ginawa. Mas nasaktan tuloy ako sa hindi niya pag-react. 

Sorry uli, Zillion.. 

Aanhin ko pa po ang published story kung wala na akong inspirasyon? Nabigkas niya ito ngunit humihikbi siya.

Tama naman siya, naisip ko.. Gusto mo bang kausapin ko si Gelay?

Wag na po..

Bakit?

Ayaw mo sa kanya.. kaya ayaw ko na rin sa kanya...

No, anak! I liked her...

It's okay, Dad.. I understand you.. 

Thank you, anak.. Someday, mare-realize nating tatlo.. why it happened.. Sorry again.. Congrats to you! You are now a certified writer.. Don't worry.. Gelay will always be my Wattpad pamangkin.. I kissed him on his forehead and I stood up. Go back to the dining table. You are not yet finished eating..


Yes, Dad.. susunod na po ako..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...