Followers

Sunday, June 15, 2014

My Wattpad Pamangkin 15

Nasa klase na ako nang tumawag si Zillion. Ayaw ko sanang sagutin dahil ayaw kong maistorbo ang discussion ko. Interesado na ang mga estudyante ko sa Creative Writing. Kaya lang, apat na beses na siyang nag-miss call.

Hello, Anak!?

Dad, good news!

What is that good news? Excited na rin akong malaman kaya nag-excuse ako sa klase ko.

Dad. A publishing company offered me to publish my Red Diary!

What? Is that true?

Yes, Dad!

Congrats, son! You deserve it.
Thank you, Dad! It's because ikaw ang inspiration ko.

That's right!

Bye, Dad! See you later..

Bye, ingat!

Masaya akong humarap muli sa klase ko. Ibinalita ko sa kanila ang magandang balita na natanggap ng anak ko. Natuwa din sila at lalong nainspire. Ang iba nga sa kanila ay may Wattpad stories but hindi pa sila nakakapublish.

Shirley, one of my students raised her hand. I permitted her to speak. Sir, can we meet your son and talk about creative writing? I think, he can help us..

I thought for a while. Your idea is great! Okay, I will set his schedule.

Thank you, Sir!

I smiled. Then, I pursued he discussion.

Maaga akong nakarating sa school ni Zillion. Hindi ko muna siya tinext na nag-aabang na ako sa labas. Hindi na ako pumasok sa school. Nakapark ang kotse ko sa medyo kalayuan sa gate, pero kita ko pa rin ang bawat estudyanteng palabas.

Maya-maya, nakita ko na si Zillion na palabas ng gate, kahawak-kamay niya si Gelay. Very sweet talaga ang anak ko, naisip ko. Showy. Hindi siya nahihiyang ipakita ang love niya sa kanyang kasintahan.

Sa di kalayuan sa gate, may street food vendor. I think, kikiam, fishball at squidball ang tinda niya. Gusto kong lumabas na para pigilan siyang bumili. Hindi siya sanay na kumakain ng street food. Pero, naisip ko, it's time for him to explore the world.

Hindi pa rin ako makapaniwalang sarap na sarap sila ni Angela sa pagkain ng street food. Nagsubuan pa sila.

Akmang kukuha pa sila nang hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas ako ng kotse at lumapit ng ilang hakbang at tinawag ko si Zillion. Halos, mabitawan naman niya ang stick na ipapantuhog niya.

Wait lang, Dad. Nataranta siyang nagbayad. Nakita ko ring hinalikan niya sa pisngi si Angela.

Wala kaming imikan habang nasa biyahe kami. Hihintayin kong makauwi kami.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...