Followers
Friday, June 13, 2014
My Wattpad Pamangkin 3
"Daddy... " Ginising ako ng mga yugyog ni Zillion. Nang minulat ko ang mga mata ko, nakabihis na siya ng pang-alis. Nakita ko rin ang oras sa wall clock. Alas-otso na.
"Zillion, may lakad ka?"
"Yes, Dad! Punta lang po ako kina Angela to finish our project." He also showed up the materials, na dala niya kahapon.
Bumangon na ako. Uminat nang sandali, saka umupo sa gilid ng kama. "Did you tell your Mom about this?"
Tumango lang ang anak ko.Tiningnan ko siya sa mata. Nakatingin din siya sa akin. Alam ko kasi 'pag nagsisinungaling si Zillion. Hindi siya makatingin sa mga mata ko.
"Patingin nga ng project niyo?"
Alinlangang iniabot ni Zillion ang mga materials, gaya ng illustration board, art papers, markers, at iba pa.
"Periodic Table of Elements ba ang project ninyo?"
"Opo..."
Nahulaan ko kasi may pamphlet siyang dala. Naalala ko rin noong third year ako. Nagpa-project din ang Science teacher ko ng table ng mga elements. Individual pa. Mabuti nga sila ay pair. Babae at lalaki siguro ang magpartner.
"I can help you. Gusto mo bang dito na lang kayo gumawa? Kasi, 'di mo na maitatanong, your Dad got the highest grade in the same project, nung nag-aaral ako..." I smiled humbly.
Zillion's eyes widened. "Talaga po? Ang galing naman! Sige po... I'll text Angela... Wait Dad. He leaves the room while contacting his classmate.
Bago ako nagbanyo, sumilip muna ako sa terrace. I have seen my lovely wife na nasa garden. She's watering her orchids.
Ang ganda ng umaga. Sarap ng hangin.
Ang swerte ko sa asawa at anak. Wala na akong mahahangad pa.
Nasa banyo na ako nang bumalik si Zillion.
Dad?! Dad?!
"Sandali lang, anak. Andito ako." Nilakasan ko ang boses ko para mas marinig niya.
"Dad, pumayag na si Angela at ang parents niya. Dito na lang daw namin gawin ang project namin."
"Well, that's good... Sige, wait. Sunduin natin siya."
"Hindi na po. Mag-commute na lang daw po siya. On the way na po..."
"Alright, kid!"
"Thanks, Dad!"
Tapos, 'di ko na narinig si Zillion.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment