Naka-get
over na si Zillion sa break up nila ni Gelay. Malapit na rin niyang matapos ang
Book 2 ng Red Diary. Nakatulong din ang madalas kong pakikipag-usap at
pakiki-bonding sa kanya.
Kamakailan
lang, kinontak na naman siya ng publisher ng Red Diary niya. Sooner or later
daw ay ilalabas na ang unang bulk ng libro sa mga bookstores. Ipinaghahanda na
rin sa kanya ang Book 2 nito.
Ako
naman, kahit super-busy sa pagtuturo ng Creative Writing sa UP Diliman ay hindi
nakakalimot i-update ang mga nasimulan kong stories. Malapit na rin uli lumabas
ang "Here
I am Without You". Patuloy
pa rin akong nag-iisip ng bagong story ideas na papatok sa puso ng mga readers.
Wala
na kaming balita kay Gelay, lalo na nang lumipat siya ng ibang school. Hindi na
siya nagkikipag-chat sa akin. Ang last niyang private message sa akin sa
Wattpad ay "Tito
bc ako sa skul kaya I can't chat you this time po. Cge lng po tito pag May time
ako magcha-chat tayo. Cge po. Update ka nlng ng update ha? Cge po. Mwahwha po
:**"
Bihira
na rin siya mag-online sa Facebook. Gayunpaman, masaya ako kapag binabasa ko
ang mga positive comments ng followers niya at readers ng story niya. Unti-unti
nang nahasa ang kanyang writing prowess. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang
istorya ng "Loving A Writer". Exceptional.
Alam
ko, babalik siya kay Zillion, one day. Iyon kasi ang nagaganap ngayon sa story
niya na nasa thirty-five chapters na.
Si
Zillion naman ay kakikitaan ng kasiyahan sa kanyang mga nararanasan. Hindi
naman siya nagpakita ng kalungkutan within these few days. Lagi siyang masigla.
Sa kanyang post nga sa FB, mababakas ang kasiyahan sa kanyang puso. Sabi niya: "I'm
happy for you, my friend. Wherever you are today, I will always here for
you..Waiting! Just make your dreams come true, as I do mine.. <3"
Nabagbag
ang puso ko.
No comments:
Post a Comment