Followers
Friday, June 13, 2014
My Wattpad Pamangkin 5
Lunch time.
Sa unang pagkakataon, may kasalo kami sa pang-apatang dining table namin. Madalas kasi, tatlo lang kaming kumakain sa mesang ito. Madalas din pag may party at special ocassion lang kami may kasalo.
Masaya ako dahil nakaharap kong muli si Angela. Paunti-unti ko siyang tinititigan. Parang kilala ko siya. Hindi lang ako sigurado.
Kitang-kita ko na kumikislap ang mga mata ni Zillion dahil kasalo niya si Angela. Hindi ako puwedeng magkamali, magkasintahan nga sila. Ang tindi ng anak ko. Tinalo pa ako. Noong nagka-girlfriend ako ay 18 year old lang ako. One and only pa. Siya na ang kahuli-hulihang babae sa buhay ko.
Si Zillion, napakaagang naranasan ang umibig.
Alam ko naman na hindi pa sila ang nakatadhana, but I know Angela will affect my son's present life. Iyon ang ikinakatakot ko. Ayokong masira agad ang buhay niya dahil sa pag-ibig. Hindi ko naman iniisip na masasaktan lang siya o sasaktan lang siya ni Angela. Open lang ako sa mga posibilidad.
Isa pa, mataas talaga ang pangarap ko sa anak ko. Gusto kong sundan niya ang yapak ko. Pagsusulat ang gusto kong maging focus niya, hanggat maaari. But I always consider ang sinabi ni Maila, na kailangan din ng inspirasyon ng anak namin.
Hindi ko naman ipagkakait kay Zillion ang napakasarap na pagkakataong iyon sa buhay ng isang teenager. Gusto ko lang na maging open siya sa akin because all this time, hindi siya naglihim sa amin.
"Wag kang mahiya sa amin, Angela. Enjoy your meal. Zillion, bigyan mo siya ng ulam."
"Opo..." Ngumiti pa si Angela. Maganda pala siya 'pag nakangiti siya. Sana alisin niya ang eye glasses niya para lumutang ang ganda niya.
"Angel, heto o... Masarap 'to." Iniabot sa kanya ng anak ko ang mangkok ng ulam.
"Thanks!"
"Madalas kang pumunta dito sa amin, ha, Angela..." sabi naman ni Maila. Giliw na giliw talaga sa kanya ang asawa ko. Okay naman. Charming naman talaga si Angela. Kaya nga thankful ako dahil siya ang naging partner sa project ni Zillion.
"Sige po, Tita. Susubukan ko po. Salamat po..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment