Followers

Tuesday, June 24, 2014

My Wattpad Pamangkin 33

Nag-usap kami ni Zillion habang naghahapunan, dalawang araw ang lumipas, pagkatapos kaming puntahan ni Gelay sa book-signing event sa MOA.

Anak, nagparamdam na ba si Angela sa'yo after natin siyang makausap?

Opo. Kanina po. Malungkot niyang sagot

Alam ko na pinagbabawalan siya ng Daddy niya na mag-online ng mag-online sa Facebook at iba pang social media. Gaya ng ginawa ko sa inyo, her dad wanted her to focus on writing sa Wattpad.

That's not true, Dad. Malungkot pa rin si Zillion. Pero, nakatingin siya sa mga mata ko.

Ha? What do you mean? I have no idea bakit niya nasabi iyon. Ang alam ko lang ay pinagbabawalan din si Gelay ng ama na makipag-relasyon kaya may oras ang kanyang pag-Facebook. 

Her Dad is, like you, very supportive to her. Pero, hindi niya po pinagbabawalan si Gelay..

How did you know?

Sa common friend po namin..

Oh, I see.. Naniwala ako sa anak ko. But, it is still unclear. So, kung hindi naman pala siya grounded.. bakit di siya nakikipag-communicate sa atin?

Masyado po siyang nasaktan sa break-up namin, Dad.. Mas lalong nalungkot si Zillion. Naalala ko tuloy kung paano ko sila pinaghiwalay.

Naalala ko ring sinabi ni Gelay sa chat namin last, last time na pakiramdam niya ay hindi pa rin handa si Zillion na makipagbalikan sa kanya. Dinepensahan ko nga ang anak ko. Sabi ko, gustong-gustong makipagbalikan ang anak ko sa kanya.

Na-guilty ako. Ako yata ang nagpagulo sa relasyon nila. Pakiramdam ko ay hindi ako nakatulong. Oo nga, naging manunulat si Gelay at nakapag-focus si Zilllion sa pagsusulat, but I have ruined their good rapport. Hindi nila maintindihan ang isa't isa. One of these days, baka masira ng lubusan ang kanilang pagkakaibagan.

Gusto mo pa ba siya? Naaawa ako sa anak ko. Gusto ko siyang tulungang ligawan si Gelay.

Hindi nakasagot si Zillion. Tiningnan niya lang ako. Do you still love her?

Yes, Dad..

Natuwa ako sa tinuran niya. Kaya, nagplano kami. May hihintayin lang kaming chance para maisagawa namin iyon. Sabi ko rin sa kanya, ipagpatuloy niya lang ang panliligaw through sending her sweet messages or quotes na ise-send niya as private message, since wala na kaming cellphone number ni Gelay, since their break-up.


Umaliwalas naman ang mukha ng binata ko. Lumabas na muli ang kapogian niya. Bumata pa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...